Kabanata 28

9.4K 295 69
                                    

Pagkapasok namin ni Ash sa loob ng Southern Academy ay kaagad naming natanaw sila Kevin, Yesha at Lucas na naglalakad papalapit sa amin.

Kaagad naman akong niyakap ni Yesha pagkakita niya sa akin.

"Are you okay, cous? Nabalitaan namin 'yung ginawa nung Kale na 'yon sa'yo. How dare he is to abduct you? He's such a crazy man to do that!" May pag-aalala niyang sabi habang naiiling ito.

Nginitian ko naman si Yesha at kumalas na mula sa pagkakayakap niya.

"I'm now okay. Mabuti nalang at may tumulong sa akin noong tumakas ako kay Kale." I said and sighed after.

Yesha just nodded.

"Pero parang mas lalo ka yatang gumanda after two weeks, Bliss? Hmm.. dahil ba sa inspired ka sa lalakeng katabi mo?" Nakangisi namang tanong ni Kevin at inginuso nito si Ash na namulang bigla sa sinabi niya.

"Can you stop that, Kevin? Nakakahiya kay Bliss!" Mahinang sabi ni Ash na narinig naman namin.

Kevin just laughed. "Sus! Nahiya ka pa but we're already know na mahal ka rin pala ni Bliss so you don't need to be embarrassed, bro!"

Napailing nalang si Ash sa sinabi ni Kevin habang nangingiti ito. When I looked at Lucas ay tahimik lang ito habang nakatingin sa akin ng malalim.

I suddenly look away at him dahil hindi talaga ako kumportable lalo na noong huling beses ko siyang makausap.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagpunta na kami sa kanya-kanya naming mga klase. Pagkapasok namin sa classroom ni Ash ay kaagad naming nakita si Kale na nakaupo sa upuan niya habang nagbabasa ito ng libro.

Nang nag-angat siya ng tingin sa amin ay ngumiti ito saka ibinalik ang tingin sa binabasa niyang libro. Nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Ash kaya dali-dali ko nalang siyang hinatak papunta sa upuan namin.

"I will let you to be with Bliss pero sa oras na makasal na kaming dalawa, you cannot be with her anymore." Biglang sinabi ni Kale dahilan para mapatingin sa kanya si Ash at sinamaan ito ng tingin.

"Do you think na hahayaan kong pakasalan ka ni Bliss? I will convince Tito Gil para i-urong ang kasal niyo. Remember? My family is more powerful and richer than yours and I will do everything to stop that wedding." Madiing sabi ni Ash.

Kale chuckled at tinignan niya si Ash. Ibinaba na niya ang binabasa niyang libro sa desk niya.

"Ash, if you think that your family's connection can stop our wedding then you're wrong. Mas magaling at mas matalino ako kaysa sa'yo kaya nga naunahan na kita kay Bliss, 'di ba?" He smiled.

Akmang susugurin na sana ni Ash si Kale nang napigilan ko siya. "Ash, 'wag mo na siyang patulan pa. It's only useless. You need to calm down, okay?" Nag-aalalang sabi ko.

He inhaled and nodded. "Sorry, Bliss." I just smiled at him and held his hand.

I looked once again at Kale at nakita kong nakatiim-bagang na siya at nakatitig sa amin ng masama ni Ash. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at bumaling ulit kay Ash.

After our 1st and 4th classes ay break time na rin namin at mas nauna kaming nadismiss. I was waiting for Ash sa huling klase niya dito sa school field and I make sure na hindi ako masusundan ni Kale dahil nasa tagong parte ako ng field at kami lang ni Ash ang nakakaalam ng spot na ito.

May naaninag akong naglalakad papalapit sa akin at napangiti ako dahil ang akala ko ay si Ash iyon pero si Lucas iyon na nakatitig ng seryoso sa akin.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Are you okay?" Tanong niya at nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap.

Kaagad naman akong kumalas mula sa pagkakayakap niya pero ayaw niya pa rin akong bitawan.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon