"Get in." Tipid na sabi ni Ash at nauna na itong pumasok sa loob ng kaniyang kotse.
Napabuntong-hininga nalang ako at pumasok na rin sa loob ng kotse niya.
He looks like he's mad but he can't confront me. Kung hindi ba naman kasi ako hinila ni Kale at dalhin sa bahay nila ay hindi ko maiiwan si Ash sa school kahapon! Nako talaga.
"Ash, I'm sorry kung naiwan kita kahapon sa school." Paghingi ko ng tawad kay Ash.
"And what is the reason kung bakit parang tanga mo akong pinaghintay sa school kahapon?" Sarkastiko niyang tanong at nag-umpisa na siyang magmaneho papunta sa Southern Academy.
He's really mad at medyo naninibago lang ako dahil ngayon lang ako kinausap ni Ash ng ganito.
I bit my lip. "The truth is, habang hinihintay kita sa labas ng huling klase ko ay basta nalang akong hinila ni Kale at dinala ako sa bahay nila. His Mom wants to see me dahil nga sa tinulungan ko siya noong nanakawan siya sa lugar namin." Nahihiyang pag-amin ko.
Natahimik siya sa sinabi ko at nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela.
"Why you didn't call me then?" Bigla niyang tanong.
Sasabihin ko bang kinuha ni Kale ang cellphone ko kaya hindi ko na natawagan si Ash?
Knowing Ash na may pagkaseloso ay hindi ko pwedeng sabihin sa kanya iyon kaya sorry nalang kung magsisinungaling ako ngayon.
"N-nalowbat kasi 'yung phone ko kaya hindi na kita natawagan pa." I said.
I lied. Sorry Ash.
He chuckled.
"Bliss, ang ayoko sa lahat ay 'yung niloloko ako and I hope you're telling the truth. I trust you at naniniwala akong mamahalin mo rin ako." Seryoso niyang sabi sa akin.
He understands me but I know he's jealous inside. Ash is so kind to me at nakokonsensya nga lang ako dahil nagsinungaling ako sa kanya about doon sa part na nalowbat ang cellphone ko.
"Okay. I'm sorry again." Malungkot kong sabi at napayuko nalang.
Hindi na siya muling nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa Southern Academy. Hinawakan niya lang ang kamay ko at walang imik kaming naglakad papasok ng school papunta sa unang klase namin.
Pagkapasok namin sa unang klase namin ay nakita ko kaagad si Kale na nagbabasa ng libro sa upuan niya. Nakita ko pa ang masasamang titig ni Ash sa kanya bago siya umupo sa upuan niya.
I sighed again.
Natapos rin ang kalahati ng klase namin at break time na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Ash na naging busy lang sa paggamit ng cellphone niya habang nasa loob kami ng Cafeteria.
"Bliss! Ash!"
Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan namin ni Ash at nakita ko si Yesha na kasama si Lucas at sila ay naglalakad papalapit sa amin.
"Y-Yesha, ikaw pala," Gulat kong sabi nang makalapit na sila at sinulyapan si Lucas na nginitian ako.
"Yes, cous. Kasama ko ngayon ang boyfie ko!" Masayang sabi naman ni Yesha at niyakap niya ang kaliwang braso ni Lucas.
Tumango nalang ako.
"Hmm, wala ba kayong ibang kasama ni Ash dito? Pwede bang makiupo kami sa inyo? Parang double date na rin ang mangyayari." Tanong ni Yesha sa akin.
Tumingin naman ako kay Ash na hindi pa rin kami pinapansin. Kahit galit ako kay Lucas at sa mga sinabi niya sa akin noon ay hindi ko pa rin kayang tanggihan ang pinsan kong si Yesha dahil alam kong mahal na mahal na niya noon pa man si Lucas.
BINABASA MO ANG
Obsessed Kale
General FictionDahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na si Kale Marco ay hindi niya aakalain na magiging mitsa iyon ng pagbabago ng takbo ng normal niyang buhay. Be careful what your actions for.