TWELVE
Maagang nagising si Lee dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Alas tres pa lamang ay hindi na sya mapakali. 'Baka naman dahil lang sa foundation day mamaya. Natetense lang siguro ako.'
Hindi mawala ang kaba nya dahil na rin siguro sa magaganap na event sa kanilang university.
Ilang beses syang nagpagulong gulong sa kama ngunit hindi na muli syang dinalaw ng antok kaya napagdesisyunan nyang bumangan na lamang at maghanda para sa araw na 'to.
Nasa kalagitnaan sya ng pagsasara ng bintana ng biglang humangin ng malakas. Kusang nagsara ang ilang bintana dahil sa lakas ng hangin kaya dali-dali nyang inilock ang mga ito para hindi na muling mabuksan ng hangin.
Agad na syang bumaba upang mag-ayos matapos ayusin ang kwarto. Wala ang kuya nya dahil nagbabantay ito sa tatay nila sa ospital. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ito gumigising.
Nagluto sya ng almusal at naghanda narin ng ilang tinapay na dadalhin nya sa ospital bago pumasok. Matapos mag-almusal ay naligo na sya at nagayos ng sarili. Pagkaligo ay muli syang umakyat sa taas para kunin ang gamit nya.
'Aish. Ang aga pa. Anong gagawin ko neto?'
Muli syang napatingin sa kanyang orasan. 4:30.
'Ano ba yan? Kasi naman Lee eh! Pwede namang matulog muna bakit ba naligo agad? Tsk!'
Umupo na lamang sya at napabuntong hininga. 'Ang aga pa!'
Narinig nya ang pagtunog ng cellphone nya kaya agad nya itong kinuha.
"Hello?"
(Oh? Gising ka na?)
"Ay, hindi! Kuya nya 'tong sumagot. Duh? Syempre gising na ko! Nasagot na kita eh! Sino ba 'to?" Tiningnan nya kung sino ang caller at napagalamang si Aldrin ito.
(Double meaning ata yung sinabi mo.)
"Ha? Bakit?"
(Ahh, wala wala.)
"Bakit ka ba tumawag? Agang-aga pa eh!"
(I just want to say Goodluck.)
"Ahh, sige sige. Goodluck din!"
(Uhh, Lee?)
"Uhmm? Bakit?"
(I...)
"I what?"
(Ah! Nevermind! Sige na, goodluck ulit!)
"Hahaha. Sige, goodluck!"
Muli syang napabuntong hininga at tumingin sa orasan,"Aish!"
--
*Riiiiing~ riiiing~
"Pare, hindi pa rin nasagot." Sabi ni Prince habang sinusubukang kontakin muli ang kabanda ngunit agad itong inagaw ng kaibigan.
"Aish! Ako nga!" Sabi ni Aldrin.
"Teka lang, wala ka bang load!?" Tanong nito.
"Magkaiba kami ng network!" Sigaw nito at sinubukan ulit kontakin si Lee.
Ilang ring na ang nakalipas pero wala pa ring sumasagot sa telepono.
"Wala pa rin si Lee?" Tanong ni Cyrus na kakapasok lang ng backstage.
"Ayan sya oh! Sa harapan mo! Takte, mukha bang nandito na sya!?" Iritang sagot ni Aldrin.
"Kalma, kalma. Ang puso, Aldrin." (Prince)
BINABASA MO ANG
Pretending Strangers
TeenfikceU N E D I T E D I look into your eyes as you look into mine, you shook your head, and then I realized, we need to pretend.