ONE
L E E
Sige na, bye na. Mahal na mahal kita L! Ingat!
Ah, sige, mahal na|
Hanggang dyan pa lang ang natatype ko nang mapansin kong nag-logout na pala sya.
Eto nanaman kami, sa chat lang naman kami magaling. Sa chat na nga lang, ang bilis pang mawala.
Itinuloy ko na lang ang pagtatype ko nang maalala kong idedelete pala nya ang conversation namin. Lagi naman eh, ni hindi na nga ako nakakasagot nang 'I love you' sa kanya. Kung isesend ko man, hindi na nya mababasa dahil ididelete agad niya ang convo namin, wala rin.
Tiningnan ko na lang ulit ang profile nya, ni Cyrus Javier. Bakit ba kasi patago lagi tayo? Kung tutuusin, parang siya yung babae samin, sya yung bawal, sya yung strikto ang magulang, eh ako, ako yung gala, ako yung marami nang experience sa pag-ibig.
Sino ba ang magaakala na sa panahon ngayon ay may natitira paring inosente sa pagibig? Si Cyrus lang ata? 16 na kami, oo, bata pa, pero sa panahon ngayon, wala na yatang salitang 'bata'. Halos lahat, may crush na, lahat na-inlove na sa edad na 'yan, eh sya? Wala. Ni-crush, wala eh.
Sino ba kasi si Cyrus Javier at bakit ganyan sya? Simple lang, dahil ayaw nang nanay nya. Top 1 si Cyrus kaya hindi na ako magugulat kung valedictorian sya pag'graduate namin. Matalino sya, talented, kumakanta at sumasayaw, member rin sya ng journalism namin. Nag-iisang anak lang si Cyrus kaya siguro ayaw nang nanay nya na magka-girlfriend sya agad. Sya rin ang tagapagmana nang mga Javier kaya lalong nakaka-pressure. Perfectionist ang nanay nya at sobrang sikat nang pamilya nya, na kahit broken family sila, tinitingala sila. Tinitingala sila lalo na kung sa paano napalaki nang maayos si Cyrus, kahit single parent lang ang nanay nya.
Kaya nga nakakapagtaka kung sasabihin nya na ako ang girlfriend nya, nakakahiya. Isang Lee Navarez lang? Isang babaeng walang pangarap sa buhay, bobo, walang kwenta, tamad, lahat na. Swerte na nga kung magkaroon ako nang 75 na grade eh. Hindi ako maganda, hindi rin ako matalino, kaya talagang nakakapagtaka kung bakit ako ang nagustuhan nya. Kumbaga, nasa taas sya, sa tuktok pa mismo, ako nasa kailalilaliman.
Nakakatawa nga na, na kaya namin ang sampung buwan na puro chat at text lang. Hindi naman kasi talaga kami naguusap sa school, dati, oo, magkatabi kasi kami. Pero simula noong manligaw sya, na hindi ko alam kung panliligaw ba talaga, ay lumayo sya nang upuan para wala raw makahalata.
Napabuntong hininga na lang ako sa katangahan ko, ginusto ko 'to eh, paninindigan ko na.
Tumayo na ako at nagpunta sa counter nung computer shop,"Out na ko kuya," sabi ko.
"14 pesos," sabi nya.
Inabot ko ang bayad, "Sige, salamat."
"Wala ka bang payong Lee? Umaambon na, maya-maya lalakas na ang ulan. Malakas daw ang bagyo ah?" sabi ni Kuya Ton-ton, yung mayari ng computer shop.
"Ako ba ang tinatanong mo kuya? Si Lee? Si Lee Navarez? Tsk! Ulan? Bagyo? Suntukan na lang oh?"
"Ikaw bata ka!"
"Kuya kasi, wag kang masyadong seryoso! Lalo kang magmumukhang matanda! Bente ka pa lang eh!"
"Umuwi ka na nga!"
"Sige na! Annyeong!"
Ganito lagi ang buhay ko simula magkaboyfriend ako. Tuwing sabado at linggo magchachat kami tuwing alas-diyes ng gabi. Bakit? Yun lang kasi ang oras na pwede sya, kapag umaga kasi may advance lessons sya, senior na rin kami at isang buwan na lang kasi ay gagraduate na kami. Kami na kasi ang huling batch na hindi inabot ng K-12. Kapag naman alas-onse ng gabi, may pasok o wala, tinatawagan nya ako, minsan inaabot kami ng madaling araw sa paguusap, masaya naman kasi talagang syang kausap eh, sobra, kaya ko nga sya nagustuhan eh.
BINABASA MO ANG
Pretending Strangers
Teen FictionU N E D I T E D I look into your eyes as you look into mine, you shook your head, and then I realized, we need to pretend.