fourteen : flashback

181 11 0
                                    

FOURTEEN

L E E

Nagising ako dahil sa paghigit sa akin ng kung sino mang hinayupak yun. Pagmulat ko ay agad bumulagta sa akin yung mukha ni Cyrus na ngiting ngiti pa. Oo, nandito pa rin siya sa bahay. Ilang araw na matapos nung magkasakit siya at pinapaalis ko na siya pero si Mama naginsist na dito daw muna siya. Wala naman daw kasing matutuluyan. Edi ayun, wala akong magawa. Ang tigas pa ng ulo! Napakapapansin!

Padabog akong tumayo at dumiretso na sa banyo para maligo. Naka uniform na kasi siya at ako'y hiyang hiya naman sa itsura ko. Matapos kong maligo ay naalala kong wala akong dala dalang damit sa banyo.

"Ma! 'Ma!" Tawag ko mula sa banyo.

"Wala si Tita, bumibili ng pandesal." Sagot naman ni Cyrus.

Lintek na! Paano yun? Alangan namang kay Cyrus ako magpakuha ng damit!? Pano yung panty at bra!? Aish! Nakakahiya!

"Bakit? May problema ba?" Tanong niya.

"H-ha? A-ah. Wala, may ipapabili lang sana ako." Sabi ko.

"Ah ganun ba? Sige. Ako na lang ang bibile." Sabi niya. Agad nagliwanag ang mukha ko. Kapag nakalabas siya, saka ako lalabas papunta sa kwarto at magbibihis.

"Ahh. Ibili mo naman ako ng limang pack ng Milo! Salamat." Sabi ko at nagintay sa banyo kung may tao pa ba o wala na.

"Cyrus? Nandyan ka pa?" Noong wala ng sumagot ay dahan dahan kong binuksan ang pinto sa banyo at agad umakyat papupunta sa kwarto. Hay! Bakit kasi hindi ako nagdala ng uniform!

Nang makarating ako sa harap ng cabinet ay agad kong inalis ang tuwalya at kumuha ng damit ng biglang--

"Lee! Eto na yung Milo mo!"

(⊙o⊙) Agad kong pinulot yung tuwalya at tinakip sa katawan ko.

"Bakit hindi ka kumakatok! Aish!" Sabi ko at naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Nakita ko naman siyang tumalikod at sobrang namula ang tenga at batok niya. Hala!

"S-sorry! Sorry!" Sabi niya at nagtatakbo pababa.

o>_<o~

Matapos kong magbihis ay agad akong pumunta sa baba. Naabutan ko si Mama na nagaayos ng mesa. Agad naman akong nagmano at umupo.

"Si Cyrus po?" Tanong ko sa kanya.

"Naku! Nauna na! May kailangan pa daw siyang aasikasuhin eh." Sabi ni Mama.

Aasikasuhin? Ano naman kaya yun? Eh sa pagkakaalam ko, wala na kaming kailangang gawin kun'di practice para sa graduation.

Pagkatapos kong mag almusal ay agad na akong umalis para pumasok. Maaga pa pero dahil wala na akong gagawin sa bahay ay naisip kong umalis na.

Wala nga bang gagawin o gusto lang makita si Cyrus?

Aish! Ano ba yung iniisip ko? Sumakay na lang ako sa bike at agad pumunta ng school. Nang makarating ako ay napansin kong wala pang katao tao sa room. Nasan kaya si Cyrus?

Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ako binubully ngayon. May ilang bumubully pa rin sa akin pero ang iba ay tumigil na. Na suspend kasi si Alexandra, kaya ayun. Nabawasan sila. Yung iba naman na nambubully pa rin, bihira na. Ang huling pambubully sa akin ay yung nangyari kahapon sa canteen.

Bubuhusan sana ng ketsup ni Heidi (Kaklase ko) yung ulam ko na tinola, mabuti na lang at nandoon si Aldrin at napigilan niya. Si Cyrus? Ewan ko kung nasaan siya. Oo, lagi kong hinahanap yun. Pero lumalayo ako sa kanya.

May ilan ilan paring naglalagay ng mga threats sa locker ko. Kahapon nakakuha ako ng apat na papel. Ngayon kaya?

Tumayo ako at nagpunta sa locker room. Pagkabukas ko ng locker ko ay hindi kaaya ayang amoy ang sumalubong sakin. Amoy patay na daga! Tiningnan ko ang loob ng locker pero wala namang kakaiba, o ano.

Pretending StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon