SEVEN
L E E
Napabuntong hininga ulit ako. Pang ilan na nga ba 'tong buntong hiningang 'to? Haay. Napatingin naman ulit ako sa box sa loob ng locker. Ito na naman sya, bigay na naman ng bigay. Mukha ngang makukumpleto nya ang linggong ito sa pagbibigay sa akin ng kung anu-ano.
Nanginginig kong inabot yung box at nakita na may note sa ibabaw. Haay.
'L,
I love you. Always remember that. ツ
-C'
Binuksan ko ito at nakita ang isang kwintas na may heart na pendant at may naka engrave na L♡C. Pang ilan na ba 'to? Andami na nyang ibinigay sakin at sobrang nahihiya na ko sa kanya.
Inilagay ko iyon sa bag ko at dumiretso na sa classroom.
"Okay class, dahil malapit na ang foundation day natin, binigyan tayo ng time para makapaghanda. Starting today, bawat section ay may oras para gamitin ang gym para sa practice. Wala ding klaseng magaganap para mapaghandaan ng husto yung Foundation Day natin."
Tumigil si Ma'am sa pagsasalita at tiningnan ang schedule,"For today, our schedule is 8-9AM sa gym. Then after the break, 9:30-11:30 AM sa music room. Tapos the rest eh yung ibang performance."
Ipinatong nya yung listahan sa table nya at nagsalita ulit."I'll give you time to prepare. At exact 8AM we'll go down. Ok?"
"Yes mam!"
Lumabas ako ng room, pupunta sana akong canteen ng may biglang umakbay sakin.
"Bakit ka nakasimangot?" Sus! Pabango palang kilala ko na 'to! Umaalingasaw yung pabango ni Aldrin!
Sinamaan ko sya ng tingin at napabuntong hininga. Inilabas ko yung kwintas at ipinakita sa kanya.
"Nagbigay nanaman?"
"Halata naman diba?"
"Anong gagawin mo dyan?" Napairap naman ako.
"Kakainin ko, Aldrin. Kakainin ko!"
Sinamaan naman nya ko ng tingin."Alam ko! Ang ibig kong sabihin, susuotin mo?"
"Ewan ko." Sabi ko sabay kamot ng ulo. Naglakad ako papuntang canteen, bibili ako ng milo at papapakin ko yun. Wala lang trip ko eh.
"San ka pupunta?" Tanong ni Aldrin.
"Bibiling milo." Sagot ko.
"Mamamapak ka nanaman?"
"Hindi. Baka hihigupin ko yung milo."
Napairap naman sya at kinotongan ako at inakbayan uli ako. Okay? Sobra na yung skinship. Baka magselos boypren ko.
"Oy. Alisin mo yung kamay mo!"
"Bakit naman?"
"Baka makita ni C!"
"Sus! Anong akala mo, magseselos yun? Imposible, Lee, imposible!"
Ngayon, sya naman ang kinotongan ko, tapos ay umalis sa pagkakaakbay nya at tumakbo papuntang canteen. Kailangan ko kasi talagang pumapak ng milo ngayon. Alam kong weird, pero aminin, nung kabataan nyo ginagawa nyo rin yun?
Pagkarating ko sa canteen ay bumili ako ng tatlong pack ng milo. Naglalakad ako habang pinapapak yun. Andami ngang tumitingin sakin eh, pero wala akong pake. Siguro naninibago lang, ulit? Kasi gawain ko 'to dati eh. Itinigil ko lang nung naging kami ni C.
Tiningnan ko yung relo ko at nakitang quarter to 8 na kaya umakyat na ako sa room. Pagkarating ko ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya.
/From: Cyrus, my C~
BINABASA MO ANG
Pretending Strangers
Fiksi RemajaU N E D I T E D I look into your eyes as you look into mine, you shook your head, and then I realized, we need to pretend.
