three : call

192 14 2
                                    

THREE

L E E

Hindi ko na namalayan ang ginagawa ko matapos kong marinig ang mga salitang sinabi ni Cyrus.

Napansin ko na lang na nasa isang pamilyar na lugar na ako, sa bahay.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, maaga pa't malamang ay hindi pa nakakauwi si tatay galing trabaho. Nagulat na lang ako ng may biglang mag salita matapos kong buksan ang pinto.

"Oh? Ang aga mo? Nagcutting ka no?"

Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si kuya. Hindi ko na lang sya pinansin at nagdirediretso ako sa kwarto, pero naramdaman kong sinusundan nya ako.

Agad ko siyang hinarap,"Kuya please lang, wala ako sa mood, ok?"

"Bakit meron ka?"

Hindi ko ulit sya pinansin at pumasok na ng kwarto ng magsalita ulit sya.

"Siya! LQ kayo ni Cyrus noh?"

Agad nag-init ang ulo ko ng marinig ko ang pangalang iyon, naramdaman ko rin ang unti-unting pamumuo ng luha sa aking mga mata.

Narinig ko ang pagtawa nya. Napansin nya sigurong napatigil ako dahil sa mga sinabi nya. Lalong naginit ang ulo ko.

"Sya! Baka naman break na kayo? Sabi sayo eh! Magb'break rin-"

"Lumabas ka," mariing sabi ko.

Bigla syang napatigil sa pagtawa lumingon ako sa kanya at nakita nyang umiiyak ako.

"Oh? Totoo nga?! Hahaha!"

"LUMABAS KA SABI EH!"

Biglang nagiba ang itsura ni kuya matapos kong sumigaw. Hindi ko alam pero pagkatapos noon ay bigla na lang akong naiyak. Walang dahilan, oo. Mababaw, pwede. Pero ano bang magagawa ko? Nasaktan ako. Nasaktan ako sa bagay na hindi ko alam kung karapat dapat bang bigyan nang pansin. Ang OA ko, oo. Pero masakit talaga eh. Ako yung girlfriend pero wala akong magawa. Ako yung girlfriend. Ako yung dapat na kasama.

Nagulat na lang ako ng bigla akong batuhin ni kuya ng panyo at umalis.

Mayamaya'y muli syang pumasok ng kwarto at niyakap ako.

"Tahan na," sabi nya habang pinupunasan ang mga luha ko,"Mukha ka nang tanga."

Isang mapait na ngiti na lamang ang ipinakita ko. Ang bait ng kuya ko! Grabe!

"Hindi iniiyakan ang mga bagay na walang kwenta, Lee," sabi pa nya.

"Kuya... Mahal ko sya eh? Anong maggagawa ko?"

"Ayan, ikaw kasi eh. Pinaglaban mo ng sobra, alam mo namang imposible. Mukha ka tuloy tanga ngayon. Ano ba kasing nangyari?"

Wow! Makapagsabi ng tanga, hindi pa pala alam ang nangyari. Ang sakit ah?

"Hindi ko rin alam kuya. Basta ang alam ko, masakit dito," sabi ko sabay turo sa may bandang kaliwang dibdib.

"Mahal mo talaga noh?" Tanong nya.

Tango na lamang ang naisagot ko. Nakita ko syang umupo sa kama nya at kinuha ang cellphone nya.

"Nakikita mo 'to?" Ipinakita nya sakin ang picture ko na umiiyak noong maliit pa lang ako mula sa cellphone nya. Siguro ay apat na taon pa lang ako noon.

"Umiiyak ka rin dito," sabi nya. "Umiiyak ka dahil inagaw ko sayo yung laruan mo."

"Ngayon, umiiyak ka ulit," dagdag pa nya. "Pero hindi na dahil sakin, dahil sa ibang lalaki na."

Pretending StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon