nine : her mother

198 13 1
                                    

Thankyou nga pala kay kambal (Chan_Chan13) sa paggawa ng cover! Salamat, kambal! Merry Christmas! <3<3

~~

NINE

L E E

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi kumikilos, pero nakasunod ang tingin ko sa kanila. Hindi ko alam kung lalapit ako. Ako? Ako 'daw' kasi ang dahilan ng pagaaway nila.

Tumingin ako kay Aldrin na ngayon ay nakatingin din sakin. Nilapitan ko sya at nakita ko ang pagkunot ng noo nya.

"Tara sa clinic." Sabi ko at hinila ang kamay nya pero hindi sya sumama.

"Hindi ako susunod sa duwag." Sagot nya. Napakunot naman ang noo ko.

"Sino?" Tanong ko. Ngumisi sya at tumalikod habang ang mga kamay nya ay nasa likod na bulsa ng pantalon.

"Sino pa? Edi yung 'ex' mo." Walang gana nyang sagot. Napabuntong hininga na lang ako. Susunod sana ako sa kanya ng pigilan nya ako.

"Dyan ka lang, wag kang susunod." Napatigil naman ako sa paglalakad. San ako pupunta? Tsk! Pumasok na lang ako ng music room.

Kamusta kaya yung dalawa? Ano ba kasing pumasok sa kukote ng mga yun at nagsuntukan? Hindi naman pala-away yun parehas eh. Nasa gitna ako ng pagiisip ng marinig ko na may pumasok sa room.

"Totoo ba?" Si Prince pala.

"Ang alin?" Sagot ko ng hindi sya tinitingnan.

"Naah. Sige na, kain ka muna. Mukhang hindi tayo makakapagpractice ng hindi nagkakaayos yung dalawa." Sabi nya at lalabas na sana ulit ng bigla ko syang tinawag.

"Teka. A-ano, bakit ba sila nag-ano... nagsuntukan?" Nanginginig kong tanong. Nagkibit balikat naman sya at tumalikod saka sumagot.

"Ewan ko. Babae daw eh." For the nth time, napabuntong hininga ako. Ako nga ba talaga? Baka naman si Alexandra. Paranoid lang talaga sya at akong ang sinisi? Hay, ewan!

Nadagdagan nanaman tuloy ang problema ko. Siguro kung ililista ko yun lahat mapupuno ko ang isang pag ng yellow paper. De joke, hindi naman siguro. Pero seryoso, problemado talaga ako ngayon.

Lumabas ako ng room, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Eh kung sa clinic kaya!? Aish! Wala na kayo, Lee diba? Tapos nandun pa si Alexandra, magkakagulo lang. Kay Aldrin kaya? Malay ko ba kung nasan yun? Tsk. Magcutting na lang kaya ako?

Pumunta ako sa Gate 2 (likod ng school) kaso hindi yata ako makakalabas kasi may nagbabantay. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hindi naman na kami makakapagpractice kasi wala yung dalawa, ano pag gagawin ko dito? Nagintay ako ng ilan pang minuto, baka umalis yung guard, sayang naman.

Umupo ako sa isa sa mga bench dun, walang tao dito ako lang. Nakapikit kong nilanghap ang hangin. Bakit ganun? Bakit yung ibang tao nagkakaroon ng maayos na relasyon, yung tipong walang hahadlang. Yung tipong hindi na kailangang magtago tulad namin ni Cyrus. Bakit ba ang unfair ng buhay? Na sa kung hindi ka naman gusto ng gusto mo, hindi kayo pwede for some reasons. Hindi ba pwedeng everybody happy na lang?

Napabuntong hininga ako dahil sa iniisip ko. Hindi pwede. Diba? Ako rin ang sumagot. Kasi ngayon palang pinanglalandakan na sakin na hindi pwede yung 'everybody happy' na iniisip ko. Kasi sa tuwing sumasaya ako, labis labis na kalungkutan ang kasunod. Bakit nga ba ganun? Nakakainis na. Kaso wala akong magawa. Sino nga ba ako? Eh kung sa pagod na nga sya, anong magagawa ko? Pero pagod na rin naman ako eh, bakit ako, hindi ako sumuko?

Hanggang dun na lang ba talaga? Hindi na ba pwedeng ipaglaban pa? Sa bagay, hindi nga nya ako naipaglaban simula nung una pa eh. Itinago lang namin, kasi nga hindi pwede. Pero ginusto ko rin naman eh, kaso hindi ko inexpect na matatapos ng ganito kadali. Kasi ang inexpect ko, matupad nya yung mga pangako nya. Pero ganun kasi talaga yata ang buhay, kung ano yung inexpect mo yun pa ang hindi mangyayari. Kung ano yung inasahan mong makakapagpasaya sayo, yun pa yung makakapagpalungkot sayo ng lubusan.

Pretending StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon