THIRTEEN
L E E
Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo mula sa aking ulo ng tamaan ito ng batong ipinambato sa akin. Ganito. Ganito na lagi ang bumubungad sa akin simula ng matapos ang Foundation Day. Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung may sinabi ba si Alexandra para kamuhian ako ng lahat ng tao sa school, pero kung ano man yun sigurado akong may sinabi syang napakasama tungkol sa akin.
Kung dati-rati ay tuwing papasok ako may ilan-ilan pang estudyanteng nabati sa akin, ngayon, marami na. Pero hindi na "Good Morning," ang binabati sa akin, kun'di mga bato at mga itlog na ibinabato ng kung sino.
Noong una ay iyak pa ako ng iyak. Nagbabakasakali na kapag umiyak ako o kung ipakita ko na hindi ko nakaya ay kaawaan nila ako. Ngunit hindi iyon ang nangyari, mas lalo pang lumala. Kung dati ay itlog lang ang ibinabato sa akin, ngayon may kasama ng bato.
Gusto ko sanang magsumbong sa Guidance, pero kapag ba nagsumbong ako, titigil sila? Hindi. At sigurado ako na kapag nagsumbong ako gagawa at gagawa sila ng paraan para resbakan ako, at siguradong mas matindi pa ito sa mga nararanasan ko ngayon.
Isang malakas na sigaw ang gumulantang sa akin habang ako'y nakatungong naglalakad at tinitiis ang hapdi ng sugat ko.
"Stop!" Mabilis nya akong hinatak papunta sa likod nya. Madiin nyang hinawakan ang braso ko habang nasa likod lamang nya ako. Pinipilit kong alisin ang pagkakahawak nya sa akin ngunit hindi ko magawa. Mas malakas sya sa akin.
"When will you stop bugging people's life!? Ano bang ginawa ni Lee sa inyo at ginaganyan nyo sya!? She doesn't deserve this!" Sigaw pa ni Cyrus.
"Ofcourse she deserve this! She's a slut! Diba? Hindi nararapat sa school na ito ang mga gold digger na katulad mo! Minsan nga naisip ko, paano mo kaya nababayaran ang tuition fees at iba pang gastusin kung ganyan ka lang naman kahirap? Then, I find some answer. 'Di kaya, binibenta mo ang katawan mo? Stripping clothes infront of every men. Ganun ka naman diba? Pokpok!"
"Stop this fcking shit Alexandra!" Madiing sabi ni Cyrus.
Minsan iniisip ko, bakit hindi nalalaman ng office ito. Araw araw 'tong nangyayari pero ano? Walang nagrereport. Walang nakakakitang teacher. Bakit ganon? Bakit pinagkait lahat sakin?
Nataramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak sa akin ni Cyrus. Nakita ko ang paglapit nya kay Alexandra at paghawak sa braso nito.
"Stop this or else--,"
"Or else what? Magsusumbong ka kay tita? Come on Cyrus! Tinakwil ka na nya diba? Wala ka na sa puder nya! Kaya 'wag kang umastang may tutulong pa sayo! Wala ng pake sa'yo ang Mama mo! Kami na lang ang meron ka, tinalikuran mo pa!" Agad napaangat ang ulo ko sa sinabi ni Alexandra. Totoo nga? Tinalikuran nya talaga ang mama nya.
"Kayo? Ikaw? Ikaw na lang ang meron ako? You're too desperate, Alex. To the point na, maisip mo na ipa-arrange marriage tayo dahil sa perang makukuha mo. Akala mo hindi ko alam? Ngayon sabihin mo nga sakin. Sinong tao ang pipiliin pang makasama ka kung pera lang din naman pala habol mo?"
Lahat kami ay nagulat. Nagulat sa mga salitang sinabi ni Cyrus. Hindi sya nagsasalita ng ganyan. Oo, nagmumura sya. Pero yung mga salitang makakapanakit. Hindi sya ang Cyrus na kilala ko. Nakakatakot. Para bang napuno ng galit ang mga mata nya. Para bang wala ng pag-asang sumaya ulit.
Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Alexandra. At sa isang iglap, nasampal na nya si Cyrus.
"How dare you! Ganyan na pala ang tingin mo sakin? Ako? Gold digger? Wow! Eh ano pa kaya yang kasama mo?"
"Bakit hindi mo nalang aminin? Na ikaw yung mukhang pera dito, hindi si Lee."
"Because I'm not!"
BINABASA MO ANG
Pretending Strangers
Novela JuvenilU N E D I T E D I look into your eyes as you look into mine, you shook your head, and then I realized, we need to pretend.