EPILOGUE

224 15 5
  • Dedicated kay Sa lahat ng readers na umabot dito! :)
                                        

L E E

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong ni Aldrin habang nagmamaneho siya.

"Oo. Siguradong sigurado."

"No offense ha, pero kasi Lee, kahit i-try mo imposible eh. Parang walang hahantungan 'tong gagawin mo."

"Walang hahantungan kung hindi ako kikilos. Paano kung gusto ko talagang pumunta nung Mama ni Cyrus pero nagmamatigas lang? 'Yan ang problema sa inyong mga mayayaman eh! Porke't mapepera kayo hindi niyo na maibaba yung mga pride nyo."

"Oh! Relax! Relax, okay!? Nag aalala lang ako! Hindi mo kilala si Tita, baka kung anong gawin niya." Sabi niya.

"At ikaw, kilala mo siya?" Tanong ko.

"Hindi." Sagot niya.

Napairap na lang ako sa sinabi nya. Kung ano man ang mangyari, okay lang. Aaminin ko, kinakabahan ako. Pero kasi, para kay Cyrus 'to. Wala nang atrasan.

Mas lalo pa akong kinabahan ng matanaw ko na ang bahay nina Cyrus. Pwede bang mag back out? Gusto ko ng bumalik pero kasi, si Cyrus. Gusto ko siyang tulungan. Gusto kong magkabati na sila ng Mama niya. Gusto kong makita siyang sabitan ng Mama niya ng mga medalya na tatanggapin niya.

"Excuse me po?" Sabi ko sa Guard sa harap ng gate.

"Bakit Miss?" Tanong niya pabalik.

"Uhm. Gusto ko po sanang kausapin si Mrs. Javier, pwede po ba?" Tanong ko.

"Sorry Miss ha. Pero hindi kami basta basta nagpapapasok dito." Sagot sa akin ng guard. Bigla naman akong nanlumo sa narinig ko.

"Ikaw? Teka, kilala kita ah." Napatingin naman ako kay kuya na nasa loob. Parang kilala ko siya.

"Ah! Oo! Ikaw yung nakita ni Mam sa ospital! Lee diba?" Ahh! Siya nga yun! Yung driver ni Mam.

"Ah, opo! Gusto ko po sanang makausap si Mrs. Javier! Pwede po ba?" Tanong ko sa kanya.

"Naku! Sige pasok ka!" Sabi niya at binuksan ni Kuya Guard yung gate.

Susunod pa sana si Aldrin pero sinabihan ko siya na wag na lang.

"Dito ka na. Saglit lang naman ako." Sabi ko kay Aldrin at pumasok na sa loob. Hinatid ako ni kuya'ng driver sa kwarto ng nanay ni Cyrus.

Nang makarating kami doon ay agad siyang kumatok at agad namang sumagot ang nanay ni Cyrus.

"Mam Irene, may naghahanap po sa inyo." Katok ni kuya. At ngayon ko lang nalaman na Irene pala ang pangalan ng nanay ni Cyrus. Anong itatawag ko sa kanya? Tita Irene o Mam Irene?

"Let them in." Iyon na lang ang narinig ko at bukas na ang pinto na kanina'y tinititigan ko lang. Pagtingin ko rin sa likod ko ay wala ni si kuya.

Kinakabahan akong pumasok sa kwarto at hindi na ako nagulat sa mga salitang sinabi sa akin ni Mam Irene.

"Ang kapal rin ng mukha mong pumunta pa dito!" Sigaw niya sa akin. At narinig ko ang pagtama ng takong ng sapatos niya sa sahig at ang paglock ng pinto.

"Gusto ko lang po sanang sabihin n-na.." Agad naputol ang sasabihin ko ng makita kong papalapit na siya sa akin kaya napa atras ako nang hindi namamalayang may madadali pala ako sa likod ko.

Hindi ko inaasahang mababasag ang vase na nakapatong sa isang mataas na patungan na ngayo'y nakatumba na.

"Pupunta ka na lang dito magbabasag ka pa ng gamit!?" Sigaw nito sa akin at agad naman akong lumuhod sa harap niya. Naramdaman ko ang ilang bubog sa tuhod ko at sobrang sakit noon.

Pretending StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon