six : breaking symmetry

201 14 1
                                    


S I X

L E E


Lumipas ang mga araw at hindi rin nalayo ang landas ko kay Cyrus. Hindi ko alam kung sinasadya o sadyang nagkakataon lang na talagang may mga oras na nagkakatabi kami. Tulad kanina, nagpunta kasi kami sa computer lab nung kagrupo kasi inayos namin yung presentation ng report namin sa History. Magkahiwalay kami ng ginamit na computer dahil sira daw yung computer sa tabi ko, pero laking gulat ko na lang ng makita si Cyrus doon na nakaupo at nakangiti pa! Agad kong sinave yung presentation at iniabot sa kagrupo ko. Sinabi ko na lang na may emergency kaya sya muna ang tumapos nun unang chapter.


Dumadalas na rin ang pagkakatabi ng upuan namin sa canteen. Tulad na lang kahapon, umoorder si Aldrin habang naghahanap ako ng upuan. May nakita ako pero hindi ko alam kung naiisip ko lang yun o ano, kasi nung papalapit na ako sa upuan ay biglang nagsi-upuan doon yung mga 1st year, kaya naghanap ako ng iba. Pero inis na inis na ako dahil lahat ng makikitang kong upuan ay inuuhan ako at it end up na isa na lang yung natitira. Guess what? Katabi nina Cyrus. Kaya, no choice nanaman. Ngayon nga sasabihin ko kay Aldrin sa garden na lang kami umupo kasi may mga tables naman dun!


Minsan rin, nagoopen ako kay Aldrin, kasi sya, okay lang sa kanya na mapalapit ako kay Cyrus kahit alam naman nya na dapat kaming magtago. Ang sagot naman nya sakin, 'lalo kayong mahahalata kung iwas ka ng iwas. Cool ka lang.' Yun, iyon mismo yung sinabi nya kaya nainis ako lalo.


Pero ang ikinainis ko pa, kaninang umaga pagbukas ko ng locker ko, may box akong nakita! Pagtingin ko ay cupcake ang laman noon na may nakalagay na icing na 'Hello! :)' (may smiley face talaga). Noong una ay naghihinala pa ako na baka nagkamali lang ng lagay kung sino man yun, pero ng makita ko ang isa pang papel sa locker ko ay nalaman kong para sakin pa talaga yun. At eto pa, eto yung nakasulat.


'Hi Lee!

Alam kong magiging busy tayo this quarter at mahihirapan akong makipag-communicate sayo kaya gumawa ako ng paraan. I hope you like it!

                                         -c'


Sulat kamay nya ito kaya simula palang alam ko ng sa kanya ito galing. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Pano kung may makaalam nito!? Pano kung may makakita sa kanya habang nilalagay yun sa locker!? At ang pinakamalupit, pano kung makarating sa nanay nya!?



Huminga ako ng malalim habang nasa harap ng locker ko, dahan-dahan ko itong binuksan at buti naman ay wala, pero meron rin sa loob ko na nageexpect na may matatanggap ako mula sa kanya. Kinuha ko ang mga libro ko sa mga subject ko ng 7-9 AM ng may mapansin akong nakatingin sa English book ko.


'L,

      Expecting something? Hmm....wait and see.

                                         -c'


Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Cyrus habang naglalakad papuntang classroom.


/To: Cyrus, my C~

 

            Ano nanamang pakulo to, C?/


Pagkarating ko sa room ay nakita ko si Cyrus na nakakunot ang noo nanakatingin sa phone nya. Siguro ay nabasa ang text ko. Umupo ako sa tabi ni Aldrin na ngayon ay dinadada yung lalaki sa likod namin. Naguusap sila tungkol sa drums, dahil umandar nanaman ang kayabangan ng bespren ko at ibinili daw sya ng drums ng biglang tumunog ang cellphone ko.


Pretending StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon