FIVE
L E E
"I knew someone's hiding behind that door. Who are you and why are you with my son?"
Isang iglap ay nawala ang mga ngiti sa labi ko? Totoo ba 'to? Mommy ni Cyrus? Kausap ako? Sa harap ko? Pwede bang tumakbo? C, Tulong!
"P-po?"
"Why are you with my son!?"
Bumuntong hininga ako at sinabi lahat ng mga rason na sana'y makapagpanatag ng loob nya.
"Kasi po kailangan ko na pong ipasa yung project namin. Eh sabi po nya, sya na ang bahala dun sa presentation. Bukas na po kasi ang pasahan nun, eh kailangan ko ng makuha kaya pinuntahan ko sya. Sorry po sa abala."
Nakita ko naman ang biglang pagtaas ng kilay nya,"Oh no. No no no no no. Hindi mo ako makukuha sa ganyang pagsisinungaling hija."
"Pero po-," Naputol ang sasabihin ko ng dahil sa biglang pagring ng telopono. Baka sa mama ni Cyrus yun? Hindi naman kasi akin eh. Iba ang ringtone ko.
"Why are you still up? You should be sleeping right now! Its 2 in the morning!"
Hindi ko alam kung nakaloud speaker yung cellphone nya, dahil naririnig ko ang mga sinasabi ng nasa kabilang linya. Si Cyrus yun.
("Ma! Ikaw rin naman ah? Gising pa!")
"It's a different case son. You should be resting right now, you're sick."
("Fine. But mom, can I have a favor?")
Napatingin naman sya sa akin. Alam kong alam nyang naririnig ko ang usapan nila.
"Go on."
("Can you please go to my room and get my flashdrive there? My groupmates need the presentation tomorrow.")
Napansin ko ang pagkunot ng noo nya. Hindi ba sya naniniwala?
"Are you hiding something from me?"
("What the!? What kind of question is that Mom? Mukha ba 'kong nagtatago ng sikreto dito?")
"I don't wanna believe this girl. But you called, talking about that presentation this girl was talking about. Does that means she's telling the truth?"
("Ma! Opo! They badly need the presentation kaya can you just please believe us?")
"Whatever you say."
("Thanks! Sige na, Ma. Go home and take a rest. Bye.")
"Sumama ka sa'kin." Nagulat ako sa sunod nyang sinabi. Bakit naman nya ko pasasamahin sa kanya?
"P-po?"
"Sumama ka sa kin. Ayoko ng ipagpabukas pa yung presentation na hinihingi mo."
Hooh. Akala ko naman kung ano. Pero kailangan naman talaga kasi yung presentation eh. Iyon nga lang, hindi ako ang kagrupo. Tinext ako ni Aldrin kanina, ipinausap nya sakin na kung magkikita kami ni Cyrus, kuhanin ko yung presentation nila. Dahil kaibigan naman ako ni Aldrin, hindi lang kaibigan, bestfriend pa, syempre, gagawa ako ng paraan. Buti na lang iyon ang naisip kong alibi para makalusot dito. Yah! Natalino na ba 'ko? Yes naman oh! Bagay na kami ni Cyrus! Eww. Ang gay ko naman, yuck!
BINABASA MO ANG
Pretending Strangers
Novela JuvenilU N E D I T E D I look into your eyes as you look into mine, you shook your head, and then I realized, we need to pretend.