ten : last preparation

162 12 1
                                    

TEN

L E E

"Lee... umuwi ka muna. Hindi ka na naman ba papasok mamaya? Tatlong araw ka ng hindi pumapasok ah?" Napatingin ako kay Mama na ngayon ay kakapasok lang ng room ni tatay. Galing sya sa labas at bumili ng almusal.


"Pero wala naman po kaming gagawin. Dito na lang po ako at baka magising narin ang itay." Sabi ko rito. At oo, tatlong araw na pero hindi parin sya nagigising. Tatlong araw na rin akong hindi pumapasok mula nung maospital si tatay. Hindi rin naman kasi ako makakapagpractice ng ayos dahil sa lagay nya.


Kasama ko rin naman si Mama sa pagbabantay. Buti nga at hindi sya pinapauwi ng asawa nya--ni tito Kiel. Mabait naman sya, lalo na sakin. Wala kasi silang anak na babae ni Mama, lalaki lang tapos nagiisa pa--si Kuya Jake. Tapos baka mamaya bading pala yun. Buti na lang may Kuya Lyndon kami ni tatay, atleast sure na may lalaki.


Narinig ko ang pagbukas ng pinto,"Lee! Pumasok ka na nga! Wawasakin ni Aldrin phone ko katatawag kung nasan ka na eh!? Wala ka bang phone!?" Sigaw nito pagkapasok pa lang.


"Meron naman. Kaso dead-batt. Hehehe. Sige, sasaglit ako sa school." Sabi ko dito.


"Gusto mo bang ihatid ka ng kuya mo, Lee?" Tanong ni Mama.


"Hindi na po! Kaya ko na po! Sige na 'ma! Kuya. Una na ko! Balik ako after lunch." Sabi ko at lumabas.


Tiningnan ko ang relo ko. 6:30 pa lang ng umaga. Kaya naman siguro na makapasok ako ng 7AM. Sumakay ako ng jeep at di rin nagtagal na kauwi na ako. Naligo ako at nagayos saka kinuha yung bike ko at gitara at nagbike papuntang school.


Pagkarating ko doon ay saktong time kaya naman dumiretso na ako sa room namin.


Pagkarating ko doon eh nakasarado yung pinto kaya dahan dahan ko iyong binuksan at nakita ako ang sabay sabay na paglingon ng mga kaklase ko sa akin.


"Lee!" Sigaw ni Aldrin at nakangiting lumapit sakin. Napatitig naman ako sa mukha nya na may band-aid sa pisngi. Napa-pout naman ako.


"Oh. Anong itsura yan, mukha kang gung gong!?" Sabi nito sakin.


"Eh ano namang itsura yan!? Sayang ang pes!" Sigaw ko rito.


"Pumasok na nga tayo!" Sigaw nito pabalik. Umirap naman ako at pumasok na ng room ng marinig ko ang muling pagbukas ng pinto.


"Oh. Nandito na pala ang impakta. Nasira agad araw ko." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Alexandra at napatingin sa lalaki sa likod nya. Cyrus.


Agad naman akong napaiwas ng tingin at umupo na lang sa upuan ko. Buti na lang at hindi na ulit ako masasaktan ni Alexandra. Naguidance kasi sila, well supposed to be, pati ako, kasi sinampal nya ako. Pero diba nga absent ako kaya di ako nakaattend. Pero natatakot parin ako kasi hindi natatakot si Alexandra kahit sino, or maybe meron? Ay ewan!

Umupo na lang ako sa tabi ni Aldrin at hinintay si Ma'am.

"Alam mo kung ako sa'yo matagal ko ng sinapak si Alexandra." Napatingin naman ako kay Aldrin na nagsalita.

"Hindi ikaw ako, kaya malabong mangyari yun." Sagot ko.

"Akala ko ba matapang ka? Bakit hindi mo maipaglaban ang sayo?"

"Hindi na sya sakin. He's nobody's property." 

"Pero pinapabayaan nyang pagbawalan sya ng nanay nya." (Aldrin)

"Ibang usapan na yung pagdating sa nanay nya, Aldrin." Sabi ko at tumahimik na ng biglang pumasok sa room si ma'am.

"Today will be our general practice. Goodluck St. Luke!" Sabi ni ma'am atsaka lumabas na ng room. Sumunod kami sa kanya papunta sa gym at doon sinimulan ang pagp'practice.

Ayos na ang formation namin pati na ang steps kaya si Ma'am na ang nagjajudge sa pagsayaw namin. Mabuti na lang at hindi na si Alexandra dahil nakakainis talga syang magturo.

Inubos namin ang dalawang oras sa pagp'practice ng sayaw kaya sobrang nakakapagod! Tapos may practice pa sa banda? Arggg. Pinagbreak muna kami ni Ma'am bago kami pinapunta sa Music Room. Nagpunta ako sa canteen kasama si Aldrin. Sino pa ba? Alangang si Cyrus ang isama ko? Diba?

Kumain kami ng burger at di na kami nagusap sa sobrang pagod at gutom. Pagkatapos naming kumain eh dumiretso muna ako sa room kasi nandoon yung gitara ko. Kinuha ko na rin yung lirycs nung kanta para sure. Malay nyo magkamali ako, masisi pa ko ni Alaxendra kung sakali, at kung nandun man sya.

Nagpunta na kami sa Music Room at sinet yung mga instruments. Tahimik lang kamin at wala ni isang nagsasalita. Nang matapos sila ay tintigan ko sila isa isa, mukhang wala yata silang balk magusap usap. 

"Ano? Titigan na lang?" Napatingin naman ako kay Prince na nakasabay ko sa pagsasalita. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya at muling nagsalita.

"We won't be able to do this kung ganyan kayo." Sabi nya.

Nakita ko naman ang pagtingin sa amin nung dalawa--si Aldrin at Cyrus."Paano tayo mananalo kung ganyan ang ugaling pinapakita nyo? Banda tayo! Iisa tayo! Pano tayo mananalo kung may sari-sarili kayong mundo!?" Sigaw nya na ikinagulat ko naman. 

Tumingin ako kay Aldrin na nakasmirk kay Cyrus. Aba!? Matinde talaga 'tong mokong na 'to.

"Hindi maayos 'to kung kami lang ni Cyrus ang maguusap. Kasama dapat si Lee." Sabi ni Aldrin. Sabay naman kaming napatingin sa kanya ni Cyrus. Seryoso ba sya? Ako? Kasama? Eh ni hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit sila nagsuntukan o nagmamaang maangan lang ako? Pero mas magiging magulo kung isasali nila ako sa usapan. Ex ako ni Cyrus noh!

"I'll leave the three of you here. Better fix this shit before lunch so we'll have our time to practice." Sabi ni Prince at hahabol pa sana ako dahil ayokong maiwan kasama ang dalawang 'to nang biglang may humigit sakin.

"Stay. We'll talk." Agad akong napatingin sa kanya.

"C-cyrus." Sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak nya sa akin.

--

(AN)

Pasensya na po kung maikli. Hehe. Yun lang ang nakayanan eh!

Next update will be Cyrus' POV. Atsaka plug lang po, ARMY po ba kayo? Or kpopper? Pabasa naman po ng Dating Jeon Jungkook by sweetlittledevils. It's a collab account of me and my sister. Kakapost lang po ng Chapter 1. Thankyou! 

Votes and comments please?

Pretending StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon