(AN)
I did some back reads and napansin kong napakarami ko palang errors and typos. Hehehe. Pasensyo na po. I'll try to edit them asap! Here's the last update for today! :)
ELEVEN
C Y R U S
Ano bang pumasok sa isip ko at pinigilan ko pa si Lee. Ano nanaman bang katangahan yan, Cyrus ha?
Napaiwas ako ng tingin ng magtagpo ang mga mata namin. I never knew our relationship would be like this. Hindi ganito ang plano ko, but this is better. I hope so.
Lumayo ako sa kanya at pumunta sa kabilang side ng music room.
"It will be better kung maguusap muna kayo. Saka na lang ako sasabat kapag time ko na. Alis muna ako." Sabi ni Aldrin at aalis na sana ng pigilan sya ni Lee.
"Teka lang, Aldrin. Iiwan mo ko?" She was never like that to me. Paano nga ba kung pinipigilan ko sya? Maybe, maybe if I fought for her it would not be hard as this. Pero wala na akong maggagawa, nandito na. I took the risks. Pero hindi ko kinaya at natakot. Antanga ko, grabe.
"Ayokong marinig ang usapan nyo." (Aldrin)
"Pero--," Hindi pa tapos si Lee sa sinasabi nya ng unahan na sya ni Aldrin.
"Sige na. Kausapin mo na. Alam kong marami kang gustong sabihin sa kanya. I'll be back." Sabi nito at ginulo ang buhok ni Lee. Argg. Hindi ba nila alam na nandito yung boyfriend nya? I mean, ex pala.
Umalis si Aldrin at wala akong narinig kun'di katahimikan. Bakit nga ba tumitiklop ako sa babaeng 'to? There were things na kaya ko namang ipaglaban kay Mama, but Lee? She loved too much, and she don't deserve the things I've done.
"C-cyrus. W-wala naman tayong dapat pagusapan diba?" Sabi nito habang pinipilit iwasan ang mga tingin ko.
"Meron, Lee." Sagot ko at lumapit sa kanya,"What happened to us?"
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nya. Ano ba kasing klaseng tanong yun Cyrus? Hindi na ba nagfa-function ang utak mo at grabe na ang pagpalya?
"Ano bang sinasabi mo? Walang tayo. Tapos na tayo diba? Tinapos mo na. Wala na tayong dapat pagusapan pa." Sagot nito habang hindi parin nakatingin sakin.
"Kapag ba ipinaglaban kita magkakaron ulit ng tayo? I mean--," Hindi pa ako tapos ng sumagot na agad sya.
"Inisip mo na sana yan bago pa naging tayo." What the hell Cyrus? Ano bang katangahan yan?
"Sorry, Lee. I never meant to--," Magpapaliwanag pa sana ako ng muli nya akong pinutol.
"Never meant to what? To break your promises? Ganun naman lagi diba? Kahit na sabihin ko pang gusto kong ibalik yung dati. Kahit sobrang hirap, gusto ko. Kasi mahal pa rin kita. Pero ano bang magagawa ko kung ayaw mo na? Naiintindihan kita, Cyrus. Kaya sana wag na nating pagusapan yun." Sabi nito at ngayon ay nakatingin na sya sakin.
"I never knew this would happen. I'm very sorry."
"It's not your fault. Pinagpilitan lang natin ang alam nating bawal. At ngayon, pareho tayong nasasaktan. O ako lang ba?" Sabi nito at tinitigan ako. Jeez. I don't know what to say. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko, Lee.
"Wait. Let me change my question. Mukhang masyadong mahirap sayo. Did you even love me?" Tanong nito ng nakayuko at parang umiiyak.
"Of course I do!" Sagot ko sa kanya. Gusto ko syang lapitan. Gusto ko syang hawakan at yakapin. But I guess, I can't do that for now, I wish.
BINABASA MO ANG
Pretending Strangers
Teen FictionU N E D I T E D I look into your eyes as you look into mine, you shook your head, and then I realized, we need to pretend.