two : his 'friend'

242 15 6
                                    

An unexpected update. Pasensya na po at medyo maikli ito. Bawi ako next chap. :) Dedicated to kay JaninaBabes (erikajaninasayaman) Kinulit mo kasi ako! Oh! Eto na!

TWO

L E E

"Hoooh..." Huminga muna ako ng malalim bago hawakan ang doorknob ng classroom.

Nandito na kaya sya? Papasok kaya sya?

Limang araw.

Limang araw kaming hindi nagkita dahil sa bagyong 'yun, wala akong balita sa kanya, kung totoo bang nagkasakit sya o ano. Kaya eto ako, kabang-kaba. Sana. Sana pumasok sya.

Mahigpit kong hinawakan ang doorknob ng maramdaman kong biglang nagbukas ang pinto,"Oh Lee, andyan ka na pala, pasok na. Baka malate ka." Sabi sa akin ni Aldrin.

Hindi ko na sya pinansin at saka hinanap si Cyrus. Inikot ko ang akin paningin at hindi ko sya nakita. Agad akong nanlumo paupo sa upuan ko.

Pupunta na lang ako sa kanila. Tama! Pupuntahan ko sya! Pero teka.

Si Ashley. Tatanungin ko muna sya. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa room nila Ashley.

Nang makarating ako sa second floor ay agad kong hinanap ang room nila.

"8 St. Benedict.... 8 St. Elizabeth.... 8 St. Matthew.... 8 St... Ayun! St. Joseph!"

Agad akong kumatok sa room at agad naman na may nagbukas nito,"Yes Ate? What can I do for you?"

"Uhmmm. Ieexcuse ko lang sana si Ashley. Ashley Javier," sagot ko.

"Ah wait lang po ah?" sabi nya.

"ASHLEEEEY!" dinig kong sigaw nito.

"What?" sagot naman ng isang babae, si Ashley siguro iyon.

"May naghahanap sa iyo sa labas."

Wala na akong narinig na sumagot kaya naghintay na lang ako kay Ashley nang may biglang nagsalita sa harap ko.

"If you are one Kuya's stalkers and admirers, at kukunin mo lang ang number nya sakin or you're just gonna ask for help to give him gifts or what, I'm telling you. I WONT HELP YOU." Mabilis na sabi nya.

"Hind-," agad nyang pinutol ang sinabi ko at nagsalita ulit.

"Or you're one of the girls whose just gonna use me for Kuya?"

"Teka-,"

"I'm telling you, STOP. Wala kang mapapala sa kuya ko. And besides, you have no chances at all cause he's with a girl right now," sabi nya.

Teka ano? He's with a girl right now? Girl? Babae?

"Teka. Ano? Girl?"

"So your one of them?" Pretend Lee, pretend. Tandaan mo yan, hindi kayo close o ano. Wala kayong relasyon.

"No, gusto ko lang sanang tanungin si Cyrus tungkol sa project namin."

"Seriously? You don't like him or something?" Aish. Ang hirap magpigil ah? Masyadong straight to the point 'tong pinsan ni Cyrus na 'to.

"Hindi. Ngayon na kasi ipapasa yung project, kailangan na ng grupo. Eh wala naman sya. Asan ba sya?"

"He's in the hospital."

"Ha? Bakit?"

"Pneumonia. May hika si Kuya, you don't know that? And besides, nilalagnat sya last week, later on sinipon at inubo. Kaya ayun, it turned out na nagka Pneumonia sya. Two weeks pa sya sa ospital ngayon."

Pretending StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon