eight : no more 'us'

159 13 1
                                    

Warning: May mga bad words po. Hehehe.

EIGHT

L E E

Almost, almost is never enough (is never enough, babe)
We were so close to being in love (so close)
If I would have known that you wanted me the way I wanted you (babe)
Then maybe we wouldn't be two worlds apart
But right here in each other's arms

And we almost, we almost knew what love was (baby)
But almost is never enough

Ibinaba ko yung gitara at napabuntong hininga. Pangarap ko na sya ang unang makakita sakin habang tinutugtog 'to, pero bakit ganun? Lahat, kabaliktaran ang nangyari. Tumugtog ako ngayon ng magisa, walang nanonood at dahil sa kanya yun. Sya ang dahilan ng pangarap ko tapos sya din sisira? Buhay nga naman!

Tumayo ako at inalala lahat ng sinabi nya sakin noong isang araw. Ang bilis ng araw, Linggo ngayon. Paano ko ba sya haharapin sa General Practice bukas?

--FLASHBACK

"Lee...."

Hindi ko sya pinansin at papasok na sana ng bahay ng hinigit nya ang kamay ko.

"Lee naman."

Napapikit ako ng mariin at pilit na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero hindi ko kaya.

"Lee, nagseselos ako."

"What the-!? Nagseselos ka!?"

"Oo! Naiinggit ako kay Aldrin! Kasi sya, kayang-kaya ka nyang iligtas! Walang hahadlang sa kanya, at kung meron man, nakakaya nyang balewalain yun. Sya yun nandun sa tabi mo sa mga oras na dapat ako. Sya yung taong hindi ka iniiwan na dapat boyfriend mo ang gumagawa." Sabi nya habang nakatungo.

Hindi ako sumagot at tumungo lang. Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Mukhang alam ko na kung saan pupunta 'to..

"Naiinis ako kasi hindi ko kayang gawin yung mga nagagawa nya para sayo. Nagseselos ako kasi bakit parang sya pa yung mukhang boyfriend mo kesa sakin? Bestfriend mo lang sya eh! Ako!? Ako, yung boyfriend mo! Gusto ko magselos kasi ako yung boyfriend mo pero bakit parang wala akong karapatan?"

"Sinubukan ko namang mag-effort eh. Nagpadala ako ng bulaklak, cupcake, at kung anu-ano pa, pero pinatigil mo lang ako! Yun na lang yung paraan para maiparamdam ko sayo yung pagmamahal ko, pero pinatigil mo lang ako. Pakiramdam ko ok lang sayo na di tayo naguusap, na di tayo tulad nung ibang magkarelasyon na laging magkasama." Dagdag pa nya.

"Cyrus gumagawa ako ng paraan. Kahit bagyo hinaharap ko makita ka lang. Alam mo yun! Yung ginawa mo. Yung pagpapadala mo sakin ng kung anu-ano, di ba dito tayo napunta? Nalaman ni Alexandra. Nakaya naman natin ng ilang buwan eh! Tapos nang dahil lang dun bigla-biglang mabubunyag? Diba may plano na tayo? Na matapos ang isang taon, kapag nakagraduate tayo, aamin tayo. Haharapin natin lahat, pero bakit ganito?"

"Hindi ka ba napapagod maghintay?" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. Tuluyan na ring tumulo ang mga luha ko.

"Kasi ako, pagod na pagod na. Pagod na ko sa paghihintay, pagod na ko sa pagseselos--." Hindi pa sya tapos magsalita pero pinutol ko na ito agad.

"Ngayon pa? Ilang buwan na lang Cyrus! Ngayon ka pa susuko?! Diba nangako ka? Sabi mo..... sabi mo kakayanin natin.... sabi mo para din naman satin yung paghihintay na yun..... sabi mo kakayanin mo hanggang huli." Sabi ko sa pagitan ng pagiyak.

"Akala ko kasi kaya ko. Akala ko kaya ko na makita kang kasama si Aldrin ang kasa-kasama habang ako nanu-nood lang sa inyo. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan eh...... kasi ako, sobrang sakit na..... t****na ang sakit eh!"

Pretending StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon