Guyth~ Any exo-ls out there? Huhuhu. Si Luhan guyth~
-
FOUR
L E E
Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang mga katagang sinabi nya mula sa kabilang linya.
"Lee..."
Nang marinig ko muli ang boses nya ay para akong dinaluyan ng kuryente sa buong katawan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko't hindi alam ang isasagot.
"Lee, sumagot ka naman please. I know I've been gone too long and maybe... maybe nagtatampo ka. But I hope you would like to hear my explanations..." Mahina nyang sabi ngunit sapat na para marinig ko.
Bakas sa boses nya ang pagalala. Ayoko ng ganito, masakit. Boses lang nya'y mahalaga na sakin, kaya't nahihirapan ako kapag naririnig ko ang hirap sa bawat salita nya.
"Cyrus......"
"God, Lee, namiss kita, sobra."
Nanatili akong tahimik, hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Gusto kong umiyak pero hindi umaayon ang luha ko. Dahil siguro wala namang kaiyak-iyak. Hindi ako dapat masaktan sa isang walang kwentang bagay. Hindi ko naman nakumpirma eh, wala na nga siguro akong dapat ipagalala.
"I was in the hospital, Lee. I got a high fever after the night we last talked, and then after that, I started to have a cough. Akala ko bumalik yung hika ko, pero iba na pala 'to, I got Pneumonia. But don't worry, everything is alright," paliwanag nya.
"Kamusta ka na? Ayos ka na ba?" Tanong ko.
"Yeah. And it would be better if you'd be here than Al-," agad na natahimik sa kabilang linya. Nadulas sya. Muntik na nyang masabi ang pangalan ni Alexandra. Napabuntong hininga na lang ako.
"Pwede ba akong pumunta dyan?"
"Can you? This time of night?"
"Nakaya ko nga ng umuulan, ngayon pa kaya?"
"I wanna see you, I wanna hold you, I wanna hug you, I wanna kiss y-," agad syang tumigil sa sinabi nya.
KISS?!
"Nasa ospital ka pa diba?"
"Yeah. Tatakas na lang ako."
"Hindi. Wag, baka madisgrasya ka pa eh," sabi ko.
"No. I want to see you, NOW." Sagot nya.
"Cyrus.."
"Please? Please, Lee.. please?"
"...sige." sagot ko at ibinaba ang telepono.
Napatingin ako sa orasan, 10:37 na. Napabuntong hininga na lang ako, gusto ko rin naman syang makita eh.
Dahan dahan akong lumabas ng bahay at kinuha ang bike ko. Paaandarin ko na sana ito ng magdalawang isip ako. Itutuloy ko pa ba?
Napabuntong hininga nanaman ako. Hindi ito pinansin at pumunta sa ospital.
Magaala-una na ng makarating ako sa ospital. Papasok na sana ako ng pigilan ako ng guard,"Ms. bawal na pong dumalaw ng ganitong oras,"
"Let her in, my parents asked her to come." Agad naman akong napatingin sa nagsalita. Binigyan nya ako ng isang ngiti at sinenyasan na parang pinapapasok na ako.
Agad naman akong pumasok at bigla na lang nyang hinawakan ang kamay ko,"Namiss kita."
Hindi naman ako sumagot. Gusto ko ring sabihing 'mas namiss kita', pero ayaw bumuka ng bibig ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/19254203-288-k924696.jpg)
BINABASA MO ANG
Pretending Strangers
Genç KurguU N E D I T E D I look into your eyes as you look into mine, you shook your head, and then I realized, we need to pretend.