Chapter 11. #NoTrouble

52 5 1
                                    

Hindi ko nilapitan ang dalawa bagkus ay nagmadali ako sa paglabas sa mall at saka sumakay sa taxi. Hindi ako pwedeng magkamali, Si kuya at Abby ang nakita ko. Isa din kaya itong clue na may something sa kanila? Yung number na nagtetext kay Abby nung naiwan niya yung phone sa bahay kay kuya yon.

Hangang makarating ako sa bahay ay iniisip ko parin yung nakita ko. Si Keith at Jessy, si Abby at kuya hay, di ko tuloy masimulang basahin ang librong binili ko.
"Marl! Pwede bang pumasok?" Boses yon ni mom.
"Sige mom pasok po."

Pumasok si mom sa loob ng kwarto ko.
"Bakit po?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang, napansin ko lang na matagal din kitang hindi nakakamusta."
"Ok lang naman po ako. Huwag niyo na po akong alalahanin, alam ko naman pong pagod na kayo sa work."
"That's what I like about you, naiintindihan mo ang mga bagay na ginagawa ko."

Niyakap ko na lang si mom. Hindi ko na sinabi sa kanya ang mga nagyari sa akin dahil alam kong busy siya at the same time pagod sa work.

...

Maaga akong pumasok ngayon hindi ako sumabay kay kuya. Pagdating ko sa school ay dumeretso na muna ako sa may canteen. Lunes na Lunes pakiramdam ko tinatamad na akong pumasok.
"Problem?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Jez habang palapit sa akin. Nginitian ko siya para iparating na wala lang yon.
"Napagalitan ka ng dad mo because of the issue about us? Don't worry nagawan ko na ng paraan para malaman nila na wala ka namang kasalanan."
"Salamat." Matipid kong sagot.
"I guess may iba kang problema. Nakikita ko sa mga mata mo."
"Wala ito, may iniisip lang ako."

...

Pumasok na ako sa room pagkatapos naming mag usap ni Jez. Sinalubong ako ni Abby.
"Grabe ka, akala ko di ka papasok." Bati niya sa akin.
"Bakit naman"
"Dahil sa nangyari sayo."
"I'm okay, kaya walang dahilan para umabsent ako." Mataray kong sabi.
"Teka, galit ka ba?"

Tiningnan ko siya. "Bakit? May dapat ba akong ikagalit?"

...

Pagkatapos ng klase at hindi ako sumabay kay Abby pauwe, I told her na pupunt na muna ako sa may library. Pag pasok ko sa loob ay napansin ko na madami ngayong tao kaya ang pwesto na naupuan ko ay ang malapit sa may bintana. Inilabas ko ang libro na binili ko kahapon.

Meet That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon