Nag-champion ang team nina Keith noong Friday at dahil Sabado ngayon (Nov. 1) maaga akong gumising at nagpunta sa sementeryo. Dinalaw ko si Mia dala ang paborito niyang bulaklak at kandila. Naalala ko nung una kong nakita si Keith dito sa sementeryo. Ikinuwento ko kay Mia yung mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na araw, na may bago akong nakilala si Jessy. Pagkatapos nun ay umalis na ako… habang naglalakad palabas ay nakita ko si Keith gaya ng iniexpect ko dahil dito ko sya unang nakita at siguradong dadalawin niya kung sino man ang pinuntahan niya noon dito.
“Congrats champion kayo.” Bati ko sa kanya.
“Salamat. Teka may kasama ka ba sa pagpunta dito?”
“Wala nga eh, maaga kasi akong pumunta kaya di na sila sumabay.” Sagot ko naman.
“Ah. May victory party nga pala kami mamaya, want to join?”
“Naku! May lakad kasi ako mamaya.”
“Saan naman?”
“May ghost hunting kami mamaya sa lumang building ng school.” Pabulong kong sagot dahilan para tumawa siya.
Nagtanong siya kung pwedeng ihatid na lang niya ako pauwi tutal naman daw at di ako makakapunta sa party nila. Pumayag na ako. Sa motor niya kami sumakay, kulay itim, malaki at talagang astig tingnan. Syempre umupo ako ng nakatagilid (ayoko ng nakabukaka eh.) habang nakakapit sa may balikat niya. Habang palapit kami sa bahay, pahigpit din ng pahigpit ang pagkapit ko sa balikat niya na di nagtagal ay namalayan ko na lang na sa bewang na pala niya ako nakayakap. Ngayon lang kasi may naghatid sa akin na sa motor sakay. Pagdating sa bahay namin ay bumaba na ako.
“Salamat sa paghatid at ingat ka sa pag-uwi,” sabi ko habang hawak yung helmet na suot ko kanina.
“Welcome,” sabi niya sabay kuha ng helmet sa akin. “Goodluck sa ghost hunting, sana may mahuli kayo,” dagdag pa niya sabay paandar ng motor. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Mom na nakatayo sa may bintana na nakatapat sa may harapan ng bahay namin.
“Mom!” Bati ko sa kanya.
“Nadalaw mo na si Mia?” tanong niya sa akin.
“Opo.”
“Mabuti naman.”
“O, sige Mom punta na po ako sa kwarto ko, mag-aayos lang po ng mga gagamitin ko mamaya,” sabi ko kay Mom sabay lakad paakyat ng hagdan.
“Marl! Sino yung naghatid sayo?” tanong niya sa akin.
“Schoolmate ko po.”
“I thought he was your boyfriend.”
“Mom???”
“Just kidding.”
…
I was in my room packing things I need mamaya: flashlight, jacket, and chips. Nag-ring ‘yung phone ko, a message from chairman.
Fr: Chairman
Get ready para mamaya. Girls just wanna have fun!
Ang chairman namin ang may pakulo nito, for girls only kaya sinigurado niya na alam ng head ng school ang gagawin namin. “Mom told me na may naghatid daw sayo. Sino naman ‘yon boyfriend mo?” pang-aasar ni kuya sa akin habang lumalakad papasok sa room ko.
BINABASA MO ANG
Meet That Boy
Fiksi RemajaAng MeetThatBoy ay kwento ng isang babae na na-stuck ang buhay sa bangungot ng kanyang nakaraan. But not until she met that boy na nagturo sa kanya kung paano ipagpatuloy ang buhay. Ang buhay na masaya at puno ng pag-ibig. Pero paano kung ang nangya...