Cell phone beeps… 1 message received
Fr: Bhestie Mia
Uy bhestie, kita tayo sa mall.
Fr: Me
Bhestie try ko, kasi may family dinner kami ngayon eh.
Fr: Bhestie Mia
I can wait, after your dinner, meet me ok?
Fr: Me
Ahmm… ok J
…
That day nag tagal yung dinner namin at hindi ako makakuha ng tyempo para umalis, hindi na ako nakapunta sa mall to meet Mia. Tomorrow morning itinext ko sya pero walang reply, siguro galit sya sakin. Bumangon na ako sa kama at bumaba, nakita ko ang Mom ko na may kausap sa phone I thought it’s all about business but when she looked at me bigla akong kinabahan and then lumapit sya saken at niyakap nya ako. She told me about the bad news and I ended up crying.
…
1 year na ang nakalilipas pero hindi ko parin malimutan ang nangyari. Ako nga pala si Marlotte Virtusio, 3rd year college student na may kursong BSBA Major in Financial Management. Nag-aaral ako sa isang private school na tinatawag na University Ferer Oran in short U.F.O. Kasama ko nga pala ang mom and dad ko and my older brother named Greg. Sabi nila I have a perfect life, let’s see.
…
Pag labas ko ng room dumiretso na ako sa may dining room, nag hihintay sakin ang kuya, mom and dad ko. Sabay sabay kaming kumain and after that nagbihis na ako ng uniform at inihatid na ako ni Kuya Greg sa school. “Pag may problema tawagan mo ako,” sabi nya sakin. Tumango lang ako at naglakad na papasok ng school. Dumiretso agad ako sa may 2nd floor kung nasaan ang room ko. Pag pasok ko sa room kanya-kanya ng ginagawa ang classmates ko. Pumunta na ako sa may likuran kung saan ako nakaupo, nilapitan ako ni Abby. “Alam mo na ba ang news?” tanong nya saken at umiling lang ako. “Ok, ok nababankrupt na ang business nina Cedy, so kawawa napakayabang kasi eh!”
Totoo ang sinabi nya isa sa pinakamayabang sa school si Cedy. “Wala ka bang sasabihin?” tanong nya. “Gaya ng ano?” tanong ko din sa kanya. “Gaya ng OMG! Is that true? Or pwede rin Gosh! Buti nga sa kanya! Hay pwede naman kasing mag react alam mo kasi nakasilent mode ka na naman… ” Nakatingin lang ako habang sinasabi nya yun.
“Anyway see you at my party, I will be happy if you will be there,” pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya. Oo nga pala may binigay nga pala syang inivitation. Lagi nya akong kinakausap kahit na hindi ako masyadong umiimik. Sabi nya sakin na malapit na raw kaming maging friends, papunta na daw dun. Darating na yung prof namin sa Finance, isa sya sa paborito ko. After class nagpunta ako sa may canteen hindi kasi ako nabusog sa breakfast ko kanina.
Cell phone beeps… 1 message received from Jez, “Malungkot kumain ng mag isa.” Pagkabasa ko ng text nya hinanap ko sya then here he comes… “Hindi ka nag breakfast no?” tanong nya. “Kumain ako,” sabi ko sa kanya. Nakatingin na naman sya sakin. Naiilang ako. “Bakit ka nakatingin?” tanong ko sa kanya. “Ang cute mo kasi eh… ahmm sige aalis na ako may tryout pa kasi eh. Bye.” Umalis na sya.
Pagkatapos ng klase ay umuwi na ako samin diretso sa kwarto gaya ng lagi kong ginagawa ang magkulong sa kwadradong lugar na ito ng may biglang kumatok sa pinto. “Marl! Marl!” boses yun ni Mom, binuksan ko ang pinto, “Yes?”. “Tumawag sakin si Abby about the party, ipinag paalam ka na nya sakin and I said yes…. Pumunta ka dun para hindi ka laging nag mumukmok dyan, ok? Be good.” Hindi na ako nakapag react dahil pag kasabi nya nun umalis na sya kaagad. Hay! Ano ba naman ang gagawin ko dun? Kakain? Mag eenjoy? How?
BINABASA MO ANG
Meet That Boy
Teen FictionAng MeetThatBoy ay kwento ng isang babae na na-stuck ang buhay sa bangungot ng kanyang nakaraan. But not until she met that boy na nagturo sa kanya kung paano ipagpatuloy ang buhay. Ang buhay na masaya at puno ng pag-ibig. Pero paano kung ang nangya...