Chapter 15. #IWishIWas

63 5 6
                                    

Mag kasabay kaming pumasok ni Abby. Ang ingay naman ngayon ng mga kaklase namin. Umupo na ako sa desk ko.
"Nakita niyo ba ang hinahanap niyo?" Tanong ni Abby.
"Hindi nga eh."
"Nag kausap na ba kayo ni Keith?"
"Hindi pa din. Teka paano mo alam?"

Ipinakita sa akin ni Abby ang picture na isinend din sa kanya ni Keith.

"Tinanong niya ako about kay brother, eh wala naman akong masyadong alam sa kanya." Paliwanag ni Abby.
"Anong sinabi mo?"
"Sinabi ko na ikaw yung kausapin niya." Thanks Abby.

Dumating na ang teacher namin kaya hindi ko na natanong pa si Abby.

...

Pagkatapos ng klase namin ay inayos ko na kaagad ang gamit ko at plano kong hanapin si Keith.
"Hahanapin ko lang si Keith." Sabi ko kay Abby.
"You need help?"
"Hindi 'wag na, text nalang kita mamaya. Salamat." Pamamaalam ko kay Abby.
"Take care."

Naglakad na ako palabas ng room at laking gulat ko ng makita ko si Keith na nag aabang sa may pinto ng room. Naks! naman narinig niya yata na hinahanap ko siya.
"Hey, nandiyan ka pala." Bati ko sa kanya. Ngumiti siya ng maliit lang, grabe ha lakas makakonsensya.
"Let's go." Tugon niya. Nag simula na kaming maglakad. Hay magkasabay nga kami pero parang wala din siya, di kasi siya nagsasalita.
"About sa nangyari kahapon, sorry nakalimutan ko kasi na may lakad tayo." Tumingin siya sa akin pagkasabi ko no'n.
"Kaya sa iba ka sumama?" Sagot ni Keith.

"No. Please, alam mong wala sa intensyon ko 'yon at isa pa nakalimutan ko naman talaga eh."
"Bakit wala man lang text o tawag? Eh di sana hindi kami umasa."
"Naiwan ko ang phone ko sa bahay that's why pagdating ko tinawagan kita pero di mo sinasagot." Paliwanag ko. Grabe ha ilang araw palang kaming mag-on nito. "Saan mo ba nakuha ang picture? Yung picture na isinend mo sa akin kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"May nagsend lang din sa akin pero hindi na mahalaga iyon." Naalala ko na kahapon habang nasa resto kami ay biglang dumating si Jessy, siya kaya ang nagsend ng picture kay Keith? "Ok, I'm sorry at pasabi na lang din sa dad mo. Kung hindi ka handang intindihin ang mga paliwanag ko mauna na ako, 'wag nating sirain ang araw nating dalawa." Naglakad na ako palayo at iniwan ko si Keith. Sinabi ko naman ang totoo pero parang hindi siya naniniwala.
"Marl! Sorry din." Lumapit sa akin si Keith.
"Nagseselos lang kasi ako sa kanya dahil nakakasama ka niya with the approval of your parents, eh ako itinatakas ka lang." Napabuntong hininga ako.

Meet That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon