Chapter 2. #Sampaguita

103 8 2
                                    

Naiinis pa rin ako kay Mom, minamanipula nya kasi ang buhay ko and I really hate that.

The next day I did the same thing, kain, bihis, at puntang school. Pagdating dun nakita ko kaagad si Jez and he smiled at me.

Nilapitan nya ako “invited ka ba sa party ni Abby mamaya?” tanong nya saken “Oo..”.  “pupunta ka ba?” tanong nya ulet habang sumasabay sya ng paglalakad saken at napansin ko na yung ibang mga girls sa school ay nakatingin samen.

Ah, oo pupunta ako” sagot ko sa kanya “sabay na tayong pumunta, susunduin na lang kita sa bahay mo.” Hindi ako pumayag na sunduin nya ako sa bahay, nag decide na lang ako na magkita na lang kami sa labas ng venue at sabay na lang kaming pumasok sa loob at pumayag naman sya.

Sikat sa school si Jez, matangkad sya at gwapo din, nag fit sa kanya ang pagiging varsity ng basketball sa school namin kaya naman madaming girls ang nagkakagusto sa kanya , well, hindi ko naman sila masisisi kasi mabait naman talaga si Jez.

 After ng pag uusap namin ay pumunta na ako sa room ko at umupo na sa may likod. Walang mag-iingay ngayon saken absent kasi si Abby ngayon nag reread sya sa party nya mamaya. Nakakamiss din naman sya eh, si Abby kasi ang tipo na nakakatuwa yung pagiging maarte nya na bumagay naman talaga sa kanya knowing na fashionista sya and at the same time maganda talaga sya. Ex-boyfriend nya si Cedy kaya siguro tuwang tuwa sya ng malaman nya na nababankrup na ang business ng mga yun.

Biglang sumagi sa isip ko si Mia, kung paano kami naging mag-kaibigan at kung gaano kami kasaya nung mag-kasama pa kaming dalawa. I miss her sobra, siguro kung nandito sya sabay kaming pupunta sa library at mag babasa ng librong binili naming dalawa, speaking of libro hindi na namin natapos ang binabasa naming libro.

After class nag punta agad ako sa may shop to buy flowers and nag-punta na ako sa lugar kung saan ko sya kinakausap. Konti lang ang tao ngayon. Umupo na ako at ibinaba ang bulaklak na binili ko. “hi… sorry kung ngayon lang ulet kita nabisita naging busy kasi ako lately eh… galit ka pa ba saken?” sabi ko ng biglang tumunog ang phone ko, tumatawag si kuya “ hello.. bakit ka napatawag?” tumayo ako habang kausap si kuya, nakanakaw ng atensyon ko ang isang lalaki na dikalayuan saken, binili nya lahat ng sampaguita na tinda ng isang bata. Napansin nya yata na nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti sya saken at ibinalik ko na lang ulet ang atensyon ko sa kuya ko “ o, sige, sige.. pupunta ako bye.

Pagkatapos ng pag-uusap naming ni kuya ay nag paalam na ako sa kanya “bibisitahin na lang ulet kita, promise.

Nag punta na ako sa may coffee shop kung saan kami mag-kikita ni kuya. Pag dating ko dun ay nakita ko na sya at kaagad ko syang nilapitan “may problema ba?” agad kong tanong sa kanya, “no, wala, I just want to tell you na aalis na muna ako sa bahay…” sagot nya sken “aalis? Pero bakit? Nag-away ba kayo ni Dad?”.“Misunderstanding lang siguro, mag papalipas lang ako ng sama ng loob tapos uuwi na ako.”. matagal bago ako nakapagsalita “ibig sabihin wala na akong kakampi? Aalis ka na eh!”.  “ikaw talaga. Lagi naman kitang itetext at saka kakampi mo parin ako… ok?” niyakap ko na lang si kuya na mahigpit, mamimiss ko sya ng sobra dahil sya yung lagi kong kakampi sa lahat ng bagay, sya yung kaibigan ko at tagapag-tanggol.

Pagkatapos nun ay umorder na ako na coffee, paglapit ko sa counter ay napatingin ako sa may lagayan ng cups at nakita ko ang mga sampaguita.

Meet That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon