Chapter 10. #WrongIdentity

85 5 7
                                    

"Tulala ka diyan?" Bati ni Abby sa akin.
"May iniisip lang ako. Sa nga pala oh! phone mo, naiwan mo sa bahay nung bumisita ka." Sabi ko sabay bigay ng phone.
"Thanks." Sagot naman niya.

Naglakad na kami ni Abby palabas ng room, katatapos lang kasi ng klase namin. Nasa hallway na kami ng makasalubong namin sina Keith at Jessy.

"Hello, uuwi na kayo?" Tanong ni Jessy sa amin.
"Ah, oo eh." Yan lang ang naisagot ko.
"Sumama na muna kayo sa amin, nag yaya kasi si Keith na kumain sa labas libre niya. Sama kayo." Nakangiting sabi ni Jessy.
"Ah naku wag na! Nandyan na kasi yung sundo namin at saka may pupuntahan din kami ni Abby." Tumingin sa akin si Abby nung sinabi ko yun.
"Ah oo nga. Sayang di kami available ngayon, enjoy na lang kayo." Sabi ni Abby ,mabuti naman at nakisama siya.
"Sayang nga, ngayon lang Iitpo manlilibre eh. So paano mauna na kami." Pagkasabi ni Jessy ay umalis na sila.

Nakatayo kami ngayon sa labas at hinihintay yung sundo namin.
"Friend yan na yung sundo ko. Muna na ako. Bye :)" sumakay na si Abby sa kotse nila at ako eto naiwan na naman. Bakit ba lagi nalang ako naiiwan? Nag mumuni muni pa ako ng may tumigil na van sa harapan ko. Alam kong hindi yun ang sasakyan namin. May bumabang dalawang lalaki mga 18 years old siguro at nakasuot sila ng itim na jaket.

Lumapit sila sa akin at tiningnan yung hawak na picture tapos nagsenyasan at saka ako dinampot.

Sumigaw ako ng sumigaw pero huli na ang lahat, naisakay na nila ako sa loob ng van at doon ko nakita ang dalawa pa nilang kasama. Hindi ko sila kilala.

"Tulong! Ano bang kailangan niyo sa akin?"
"Wala kaming kailangan sayo pero yung boss namin meron." Sagot ng lalaking katabi ko.
"Boss? Sinong boss? Tulong!!!"
"Wag ka ngang maingay malapit na tayo." Sabat naman ng driver.
"Tulong! Tulong! Tatandaan ko kayo, lagot kayo sa kuya ko!"

Tumigil ang van sa isang rest house, kinabahan ako dahil puro lalaki ang kasama ko at dinala pa nila ako sa lugar na ito.

Dinala nila ako sa loob ng rest house at namangha ako sa nakita ko. Napaka aliwalas ng loob, may mga paintings na nature ang theme at pati furniture's ay puro wooden. Nakakapagpakalma din ang kulay blue with touch of green na pintura nito.

Meet That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon