Chapter 5. #ThingkingOfYou

72 7 4
                                    

“Ahmm, Guys –“ di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang nagsalita si Jez.

“Marlotte sabay na tayo.” Pagkasabi nya nun ay bigla kong naisip na kahapon nga pala ay di ko na sya nakausap kaya naman eto nalang ang paraan para di nya mafeel yung pagkatalo nila.

“Ah, Sige…” sagot ko sa kanya.

“Tara na!” yaya nya saken. Tumingin ako kay  Keith, “Pasensya na Keith, mauna na kami.”

“O…Oo sige, ingat.” Nakangiti nyang sagot and I smiled to him back.

Habang naglalakad sa may hagdan… “Magkakilala pala kayo ni Keith.” Sabi ni Jez.

“Ah, Oo.” Sagot ko naman.

“Kalaban namin sila ah, at tinalo nila kami kahapon.” Nakita ko yung lungkot nung sinabi nya yun.

“Ok lang yun atleast lumaban kayo and may next game pa naman di ba?” pag kasabi ko nun ay bigla ko nalang naramdaman ang kanyang pagyakap saken… niyakap nya ako? Pero bakit?

“Thank you sa pagbibigay ng strength, I really appreciate it.”

“Ahem!” sabi ni Abby habang palapit sya samen. Bumitaw naman sa pagyakap saken si Jez.

“Can anyone please tell me what’s going on here?” sabi ni Abby.

“Abby!.. tara na, Jez mauna na kami sayo.” Sabi ko sabay hila ng kamay ni Abby.

“Ouch! Dahan dahan naman! it’s so sakit kaya.”

“Ikaw talaga! Nakakainis ka, lagi mo nalang akong inaasar kay Jez.” Sabi ko kay Abby.

“Eh! Bakit ba kasi kayo magkayakap?” sagot naman nya saken.

“Correction, sya yung yumakap saken, nag-thank you sya kasi I’m giving him strength daw.”

“Oh My Gosh! Girl I  think Jez like you.”

Nagkaklase na kami ngayon pero nakalutang yung isip ko dahil sa sinabi ni Abby.

“I think Jez like you, I think Jez like you, I think Jez like you…” ilang beses nagpaulit ulit sa utak ko.

Naiisip ko din si Keith dahil di ko sya naapproach ng maayos kanina and hindi rin sya nagtetext saken.

Bigla akong natauhan ng marinig ang boses ng prof. ko.

“Ms. Virtusio are you listening?” tanong saken ni Maam.

“Ah- ah, yes po.” Kinakabahan kong sagot.

“Ok, so ano ang sinasabi ko kanina? Can you teach them?”

“How to dougie? Di po ako magaling sumayaw but I can dance po-“ sagot ko kay Maam at ngayon nakatingin na saken lahat ng kaklase ko.

“STOP!  Youre not listening! Get out of this room now!”

Dahan dahan akong lumabas ng room hoping na magbabago ang isip ni Maam pero hindi na nya binawi ang sinabi nya.

Tambay tuloy ako sa canteen. Napansin ko si Keith hawak nya yung phone nya kaya inexpect ko na di nya ako nakita pero lumapit sya saken.

Meet That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon