“Hello? Nag text ka di ba? You said ‘Lets talk tomorrow’ but you aren’t talking to me, hey!” sabi ni Abby habang sumusunod sa pag lalakad ko papasok sa room.
“Hey ka din, isang oras akong nag-hintay and in the first place ikaw yung nakikipagkita.” Sinabi ko yun sabay upo sa upuan ko.
“Ok, Ok…I admit it sorry, nagpunta naman ako kaya lang wala ka na dun so I decided na umuwi na lang.” “Eh kasi naman late ka ng dumating…”
“Sorry na.” sinabi nya yun ng seryoso ang mukha and sincere talaga.
“Sige, accepted ko na ang sorry mo.”
“Talaga? Pwede bang humingi ng pabor?” Wow! Abusado to ah!
“Ano naman?”
“I-accept mo na rin ako as your friend.” Tiningnan ko sya nung sinabi nya yun, nakaka overwhelm na gusto talaga nya akong maging kaibigan.
“Basta ba wag mo akong iiwan…” pag kasabi ko nun ay niyakap nya ako.
Break time ngayon at kasama ko si Abby papunta sa canteen at nakasalubong namin si Jez.
“Marlotte.”
“Bakit? May problema ba?” tanong ko sa kanya.
“I just want to invite You and Abby na manuod ng game naming mamaya, free ka ba?”
“Pwede sana kaya lang mag memeet kami ni kuya eh, ano bang oras ng game?”
“Mga 5 ng hapon..”
“Ahmm.. sige try ko, after naming mag usap ni kuya manunuod ako.”
“Ok, sige mauna na ako.” Umalis na sya at dumeretso na kami ni Abby sa canteen.
“Sasama ka ba saken mamaya?” tanong ko kay Abby.
“Manuod ng game nina Jez? Dah! Teammate nya kaya si Cedy and ayokong i-cheer sya ano?”
“Hay! Para naman it okay Jez ang bait nya kaya saken and minsan lang ako makakabawi sa kanya, please samahan mo na ako…” sinabi ko yun dahil totoo naman na napakabait saken ni Jez.
“Sige na nga!”
“Thank’s… sino kaya ang makakalaban nila ano?”
“I think yung nakalaban nila last year and friend magagaling sila..” tingnan mo tong si Abby ayaw daw manuod updated naman.
“Panu mo nalaman?” tanong ko sa kanya.
“Di ba last year kami pa ni Cedy and syempre nanunuod ako ng game nila, teka ba’t di mo alam?”
“Ngayon lang naman ako manunuod eh kasi di naman ako mahilig sa ganyan.” Pag kasabi ko nun ay tumingin sya ng nakakaasar na tingin.
“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang napansin ko lang na close pala kayo ni Jez para panuodin mo yung game nila.”
“Bumabawi lang ako sa kabaitan nya saken yun lang yun.”
Nag meet kami ni kuya and napag usapan naming kung kelan sya uuwi sa bahay. Pag katapos nun ay nag paalam na ako sa kanya para makaabot sa game nina Jez.
BINABASA MO ANG
Meet That Boy
Teen FictionAng MeetThatBoy ay kwento ng isang babae na na-stuck ang buhay sa bangungot ng kanyang nakaraan. But not until she met that boy na nagturo sa kanya kung paano ipagpatuloy ang buhay. Ang buhay na masaya at puno ng pag-ibig. Pero paano kung ang nangya...