Sampaguita… bakit ba naiisip ko yun? Hangang dito ba naman sa party ni Abby?
Sabi ni Mom just enjoy the party, be good and blah…blah…blah… ang gusto nya naman lagi ang nasusunod.
Magkasabay kami ni Jez na pumasok sa loob at sinalubong naman kami ni Abby with a big smile:)
At ngayon nakaupo ako na ako sa may garden, umalis muna si Jez para kumuha ng drinks.
“Nakakainip naman sana may paraan para makauwi agad ako…”
Think…
Think…
1 2 3 tayo!!!
Sabay tayo at paharap ko sa may kanan natapunan lang naman ako ng wine… ang swerte ko naman di ba?
“Whoo…” yan lang ang nasabi ko. “I’m sorry, I didn’t mean it..” tiningnan ko ang lalaking iyon and guess what? Sya yung lalaking ngumiti saken, yung lalaking bumili ng sampaguita. He’s kinda cute naman pala but I think he’s older than me. “I’m really sorry.” Sinabi nya yun at mukha naman na talagang sincere sya …he he he nakakatawa (evil smile) joke lang.
“Thank’s for this..” mukhang di nya nagets ang sinabi ko ah kumunot ang noo eh (ang slow naman). “What do you mean?” hay, sabi na slow talaga.
“Thank’s sa pagtapon mo ng wine saken, makakauwi na din ako..” sinabi ko yun ng seryoso pero tinawanan nya yun.
“You mean, masaya ka sa nangyari? Gusto mong umuwi?” ang slow talaga…
“Oo, nakakainip kaya dito.. mas gugustuhin ko pang tumambay sa kwarto at hintayin ang bukas.” Seryoso yung sinabi ko kaya sana wag nya akong tawanan.
Biglang dumating si Jez “Marlotte anong nanayare? May problema ba? Ok ka lang ba?” minsan OA din tong si Jez. “Ahmm.. it’s just an accident don’t worry about it..”
“Gusto mo ba na ihatid na kita sa inyo?” yes naman! “Ahmm sige para makapagbihis na din ako.”
Umalis na kami at napansin ko na nakatingin yung slow guy samen.
It’s Sunday 2 days after the party, mag-isa akong nanunuod ng TV habang kumakain ng chips. Nagtext saken si Abby gusto nyang magkita kami dahil groupmate ko sya sa project. Well, sya yung nag-decide na sa coffee shop na daw kami magkita.
1:00 ng hapon na ako pumunta sa coffee shop pero pag-dating ko dun wala pa sya. Nag-decide ako na umorder na muna ng coffee. “Good afternoon Maam, ano pong order nila?” bati nya saken ng biglang may lalaking tumawag sa kanya. “Ayusin mo na muna yung mga gagamitin, ako na muna dyan..”
Umalis yung nasa counter at may pumalit naman agad sa kanya.
“Good afternoon, what’s your order again?” tanong nung pumalit na lalaki.
“Ahmm 1 order of cappuccino please..” sabi ko habang nakatingin sa phone ko. After a minutes… ”Here’s your oder ..” kinuha ko yung coffee “how much?” wait lang sya nanaman!!! Namukhaan nya yata ako.. “Oh! Hi, di ba ikaw yung natapunan ko sa party?” tanong nya saken “Sorry ulet..” dagdag pa nya. “Its ok” sabi ko sa kanya. “How much is this coffee?” tanong ko sa kanya habang kinukuha yung wallet ko sa bag. “No, wag munang bayaran, bawi ko na lang yan sa nangyari…”
BINABASA MO ANG
Meet That Boy
Teen FictionAng MeetThatBoy ay kwento ng isang babae na na-stuck ang buhay sa bangungot ng kanyang nakaraan. But not until she met that boy na nagturo sa kanya kung paano ipagpatuloy ang buhay. Ang buhay na masaya at puno ng pag-ibig. Pero paano kung ang nangya...