Chapter 14. #TryHard

33 4 1
                                    

Matagal akong nakatingin kay dad hanggang sa mag salita siya ulit.
"Kapag nasa tamang edad na kayong dalawa saka kayo mag papakasal."
"No dad, hindi ko siya pakakasalan."
"Ayaw mong mag pakasal sa kanya dahil sa Keith na iyan, right?"

Hindi ko siya sinagot.

"Kung ganoon mag handa ka, kung hindi ka papayag mag pakasal kay CJ ipadadala kita sa America at hindi ka na makakabalik pa dito."

...

Hindi ko akalaing magagawa ni dad iyon sa akin. Simula bata palang ako lahat ng gusto niya sinusunod ko. Nakakapagod na din. Sana malaman ko kung ano ang tamang gawin. Lumipas ang araw na ito ng walang nangyaring maganda.

...
"Oy, ano na? Wala ka bang balak bumaba sa kotse?" Tugon ni CJ habang hawak ang pinto ng kotse niya. Magkasama kami ngayon dahil pupuntahan namin ang mga lugar na pinupuntahan ni Trisha. Bumaba na ako ng kotse.
"Dito ko siya nakilala, sa lugar na ito."

Totoo? Paano naman sila nagkakilala sa supermarket na 'to? Sa dami ng tao dito, ganoon ba talaga ang destiny?
"Hindi ka nagtataray ngayon ah, narealize mo na siguro na mas bagay sayo ang laging nakangiti." Tugon ni CJ. Hay pwede ba? Hindi nga ako nakangiti ngayon eh!

"Pero hindi ka naman nakangiti ngayon, mas bagay pala sayo ang ganyan, wag ka ng iimik ha?" Pabiro niyang sabi. Sira ulo talaga ang lalaking ito. Inirapan ko siya.
"Pausap, wag kang makulit, nandito tayo para hanapin ang babaeng sinaktan mo hindi para laitin ako."
"Ayan na! Sssshh nagtaray ka na naman."

Sinimulan na namin ang pag hahanap pero walang Trisha sa market na 'yon. Next na destinasyon sa park. Kung sa market ang daming tao nakakapagtaka na dito sa park walang tao. Nag a-outing ba lahat ng pamilya ngayon?

"Sa tingin mo ba makikita natin siya dito?" Tanong ko sa kanya.
"Well, let's find out. Kahit konti lang ang tao dito malay natin isa siya sa nandito." Hahay, asa pa more.

Meet That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon