“What? Sinabi niyang gusto ka niya?” gulat na tanong ni Abby habang kausap ko siya sa phone.
“Oo…” sagot ko naman sa kanya.
“Anong sagot mo?” tanong niya ulet.
“Hulaan mo,” sagot ko.
“Hay! Asar ka! Pupunta ako diyan ngayon kailangan mong ikwento sa akin ang lahat. Text mo sa akin ang address mo,” sagot naman niya.
“Ngayon na?”
“Aba! Syempre,” sagot niya ulet sabay patay ng phone.
“Ang babaeng ‘to… agad agad pupunta? Ni hindi nga niya kinukwento ang tungkol sa dinedate niya.”
Tinext ko kay Abby ang address ng bahay namin.
…
Dumating si Abby sa bahay namin. Tamang tama naman at nandito si mom at kuya. Maipapakilala ko na rin siya.
“Hey! You need to tell me the whole story,” sabi ni Abby habang papasok kami sa loob ng bahay.
“Mom! Kuya!” tawag ko naman. Agad dumating si mom.
“Mom, this is Abby my friend… and Abby she’s my mom.”
“Oh! Hello nice to meet you,” bati ni mom na nakangiti pa.
“Hello din po,” sagot naman ni Abby.
“Si kuya po?” tanong ko kay Mom. Di pa nakakasagot si Mom ay dumating na si Kuya.
“Kuya, eto na si Abby yung friend ko, Abby siya si kuya Greg ko,” sabi ko habang nakatingin kay kuya na mukhang nagulat.
“Ah--- Hi,” bati ni kuya kay Abby.
“Hello,” sagot naman ni Abby.
…
Pagkatapos ay pumunta na kami ni Abby sa kwarto ko.
“Welcome to my room.”
“Nice place… so, tell me the story.” Sagot naman niya.
Ikinuwento ko sa kanya na nagising nalang ako na nasa labas na ng bahay si Keith at dinala niya ako sa let’s say beach. Tapos doon na nag-confess si Keith na gusto niya ako.
“And what is your answer?” tanong ni Abby sa akin.
“Wala, di na ako nakasagot kasi biglang dumating si Jessy,” sagot ko sa kanya.
“Ano? Dumating si Jessy? Bakit?”
“Sabi niya malapit daw bahay nila dun niyaya pa nga niya kaming kumain eh,” sabi ko naman.
“Tapos?”
“Tapos umuwi na ako. Inihatid ako ni Keith sa bahay.”
“Hay! Akala ko pa naman may something na!”
Tinawag kami ni kuya dahil ready na daw ang meryenda at doon na rin ininterview ni mom si Abby.
…
Umaga na ulet. Sabay sabay kaming kumakain ng breakfast ngayon.
“Marl…”
BINABASA MO ANG
Meet That Boy
Teen FictionAng MeetThatBoy ay kwento ng isang babae na na-stuck ang buhay sa bangungot ng kanyang nakaraan. But not until she met that boy na nagturo sa kanya kung paano ipagpatuloy ang buhay. Ang buhay na masaya at puno ng pag-ibig. Pero paano kung ang nangya...