Lahat ng tao sa shop ay nakatingin sa amin ngayon. Eto ba ang sinasabi ni Jessy na palabas? Wala ng salita pa ay hinila na ako ni dad palabas ng shop. Mahigpit ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko.
"Sir 'wag niyo po siyang sasaktan. It's my fault." Sambit ni Keith.
"Of course hindi ko siya sasaktan because she's my daughter, ipapaintindi ko lang sa kanya na she doesn't deserve you! You wanna know why?" Sagot ni dad. Hawak parin niya ako sa kamay.
"Dad please." Sabat ko naman.
"Get in the car! Now!" Sigaw ni dad sa akin. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. I was crying in the car. Naririnig ko parin ang pag uusap ni dad at Keith."She deserves to be with someone else. CJ is the one I've chosen for her, did she even tell you na ikakasal siya kay CJ soon?" Gosh, dad ako dapat ang magsasabi niyan kay Keith. I'm sorry.
"Sir, kasal?"
"Yes, so please stay away from Marl dahil hindi ka nakakabuti para sa kanya!"...
Pagdating namin sa bahay ay pinagalitan ako ni dad at kinuha niya ang phone ko, para daw hindi ko na makontak pa si Keith. Pinilit ko ang sarili ko na matulog dahil bukas ay may pasok pa ako.
.
Nagising ako na may tumatawag sa akin.
"Hey Marl, get up!"Nagkumot pa ako at ipinakita na ayokong bumangon. Boses iyon ni kuya. Alam ba niya na may nangyari sa akin kahapon? Tumalon- talon siya sa kama ko. "Kuya ano ba? Natutulog ako."
"Ayun na nga eh, matutulog ka na lang ba maghapon? Hey dahil ba ito sa nangyari kahapon? Look, don't ruin your day." Ruin my day. Hindi ko siya magets. "If you come to school today there is a chance na makita at makausap mo si Keith. So get up!" Bumangon na ako habang nakaupo si kuya sa kama.
"I'm the one whose responsible for taking you at school." Sabi niya at saka siya lumabas ng kwarto....
Hindi ko nakita si Keith hanggang matapos ang klase ko.
"Napaka epal talaga ng babaitang iyon! I know, I am very sure na yang Jessy na 'yon ang nag sabi sa dad mo." Nang gagalaiting sabi ni Abby.
BINABASA MO ANG
Meet That Boy
Teen FictionAng MeetThatBoy ay kwento ng isang babae na na-stuck ang buhay sa bangungot ng kanyang nakaraan. But not until she met that boy na nagturo sa kanya kung paano ipagpatuloy ang buhay. Ang buhay na masaya at puno ng pag-ibig. Pero paano kung ang nangya...