Hindi pa din ako makapaniwala na ang CJ na yun na siyang dumukot sa akin ay anak ni Mr. Padrenal. Kasama namin siya ngayon sa iisang table, umaasta siya na para bang hindi ako namumukhaan man lang, sa bagay mas mabuti na din iyon.
"We heard na gusto mo daw mag transfer ng school?" Tanong ni dad na para bang tuwang tuwa kay CJ.
"Yes po. Actually may nahanap na po akong school."
"Talaga? Saan naman?" Bakit ba excited si dad? Sana wah sa school na pinapasukan ko.
"University Fe--"
"Ferer Oran?" Sabi ko na obvious namang nagulat.
"Oo yun nga. Sabi kasi nila maganda raw doon."
"Naku hindi. Naniniwala ka agad sa sabi sabi." Nang sabihin ko iyan ay nakatingin sa akin sina mom, dad at pati si Mr. Padrenal. Nakakunot pa ang noo ni dad. Bahagya naman akong siniko ni mom."Ah I mean, tama yun maniwala ka na maganda sa school namin."
"Namin? Doon ka nag aaral?"
"Hindi hindi nag wowork ako doon! Joke! Oo doon ako nag aaral."
"E di mabuti pala at may makakasama na si CJ doon, it will not hard for him to adjust." Tugon ni Mr. Padrenal....
Pauwi na kami sa bahay. Grabe ang daming nangyari ngayon. Hanggang ngayon yung CJ pa ring iyon ang topic nina mom and dad.
"Marl hindi ko nagustuhan kung paano mo kausapin si CJ, anak siya ni Mr. Padrenal at nakakahiya sa kanya. Don't talk to him in that way again. Clear?" Sermon ni dad.
"Yes dad." Matipid kong sagot.
"Mabait naman siya at nakakatuwa din." Opinyon ni mom.
"Kung alam niyo lang." Pabulong ko namang sabi....
Nakarating na kami sa bahay at dumeretso na agad ako sa kwarto. Nakakainis naman at sa U.F.O pa siya mag aaral. Maya maya pa ay nakatulog na din ako.
...
"Talaga? Paano yun?" Gulat na tanong ni Abby.
"Hay ewan. Basta hindi ko siya iintindihin he's big enough para tulungan ko pa siya." Sagot ko naman habang nag lalakad kami sa may hallway ng school.
"Paano kapag nalaman ng dad mo at ni Mr. Padrenal?"
BINABASA MO ANG
Meet That Boy
Teen FictionAng MeetThatBoy ay kwento ng isang babae na na-stuck ang buhay sa bangungot ng kanyang nakaraan. But not until she met that boy na nagturo sa kanya kung paano ipagpatuloy ang buhay. Ang buhay na masaya at puno ng pag-ibig. Pero paano kung ang nangya...