Chapter 13 #YES!

32 4 1
                                    

Nasa loob ako ng classroom at kasalukuyang nag tuturo ng bagong lesson si sir. Bakit ba hindi na naubos ang isipin ko? Eto kasing CJ na ito dumagdag pa! Pero ok din yung plano niya. Tama, hihingin ko ang opinyon ni Abby about this.

"Get one whole sheet of paper." Sabi ni sir habang nag aayos ng book na hawak niya kanina. Shet...

may exam. Wala na akong nagawa kundi kunin yung notes ng katabi ko at dalas dalas nag review.

"Keep all your notes."

Patay.

...
"You mean partners kayo?" Banat ni Abby.
"Partners? Hindi ah."
"So, anong tawag mo doon?"
"Kasunduan."
"Tsk akala ko ba ayaw mo kay brother, tapos ngayon nakikipag kasundo ka sa kanya."
"Hay, alam mo bilisan na lang nating mag lakad at tama na ang interview."
"Sssh ganyan ka lang kasi hindi pa nag papakita sayo si Keith."

Mabilis akong nag lakad. Habang si Abby ay sunod lang ng sunod sa akin. Nasaan nga ba si Keith? Hindi ko pa nakikita ang lalaking iyon ah.

...

Pagdating ko sa bahay ay naghihintay ulet sa akin si CJ.
"Talagang pursegido kang pumayag ako sa plano mo ah." Sabi ko habang nag lalakad palapit sa kanya.
"Well let's just say that I need you." Tugon naman ni CJ habang nakatayo sa harapan ko.
"Just make sure na tutupad ka sa plano at isa pa siguraduhin mo din na buhay pa ang hahanapin natin."
"Of course, so payag ka na?"
"Oo."
"Thanks."

Biglang dumating sina mom and dad galing sa trabaho.
"O CJ, it's good to see you here." Pasimula ni dad.
"Magandang hapon po."
"Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"Kinausap ko lang po si Marl."
"So nakakaabala ba kami sa inyo?" Pabirong sabi ni dad. Bahagya akong lumingon kay mom.
"No sir actually paalis na din po ako. So paano Marl mauna na ako." Pamamaalam ni CJ sa akin. Nag paalam din siya kina mom and dad.

...

Nakahiga na ako sa kama ng biglang tumunog ang phone ko. Nag aalinlangan pa akong tumayo at saka dinampot ang phone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Himala muling nabuhay itong Keith na 'to.

Meet That BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon