Nakaharap ako ngayon sa laptop ko. Nag se-search ako ng about sa assignment ko. After kong makita ang information ay binuksan ko naman ang Facebook account ko. Nakita ko ang pinost ni Jez na family picture nila at naramdaman ko na ulit ang pagkaawa, ‘di ko tuloy maiwasang isipin siya ngayon.
“Marl, can I talk to you for a minute?” sabi ni Mom na ngayon ay nakatayo sa may pinto ng kuwarto ko. “Oh sige po, tapos na naman po ako sa mga assignment ko. Tungkol po ba saan?” sagot ko naman. “Regarding sa sinabi ng Dad mo.”
“What about it Mom?” Umupo si Mom sa tabi ko.
“Sana maintindihan mo kung bakit ayaw niya na maging close ka sa mga lalaki na kailan mo lang din nakilala, your Dad just want the best for you, he just want to protect you kasi ikaw lang yung nag-iisang prinsesa niya.”
“Di ba po dapat masaya siya kasi I have new friends? Like you and kuya happy kayo para sa akin.”
Hinawakan ni Mom yung kamay ko at tumingin ng diretso sa mga mata.
“Masaya siya, but Abby is enough kagaya ng dati, you have Mia and kahit kayo lang dalawa ang laging magkasama masaya naman kayo, ‘di ba?”
Tama si Mom, kagaya ng dati si Mia lang ang friend ko, siguro nga Abby is enough.
…
Naging seryoso ang pag-uusap namin ni Mom kanina. Nasa kuwarto pa rin ako at nagbabasa ng libro ng makarinig ako ng ingay mula sa labas. Agad akong lumabas ng kuwarto at naabutan kong nag-aaway na naman sina kuya at Dad.
“It’s not fair!” malakas na sagot ni kuya.
“It’s a choice!” sabi naman ni Dad.
“Choice? Huh! Hindi mo ako mapipilit sa gusto mo! Dahil buhay ko ‘to!” gigil na sagot ni kuya sabay walkout. Bakit gano’n si Dad? Sinasaktan niya ang damdamin namin.
…
Hinihintay kong umuwi si kuya. Nakatayo ako ngayon sa labas ng bahay namin.
“Kuya!” sigaw ko ng makita ko si kuya.
“Bakit ‘di ka pa natutulog? May pasok ka pa bukas ah?” tanong niya sa akin.
“Gusto ko kasing makasiguro na uuwi ka parin sa bahay kahit na inaway ka na naman ni Dad. Ano bang pinag-awayan nyo?”
“Tungkol lang ‘yon sa business, h’wag mo na lang isipin ‘yon. Ano. Tara na sa loob.”
Magkasabay kami ni kuya na pumasok sa loob ng bahay.
…
Maaga akong pumasok ngayon. Habang naglalakad ako sa may hallway ay nakita ko ang mga estudyante na nagkakalibung-bungan sa may bulletin board.
“Hey,” nakangiting bati sa akin ni Jessy. “A-anong mayro’n?” dagdag pa niya.
“Hindi ko din alam eh.”
“Tingnan natin,” anyaya sa akin ni Jessy. Pumunta na kami sa may bulletin.
“Ikaw ‘to ah! At si Jez?” sabi ni Jessy na nakaturo pa ang kamay sa picture namin ni Jez. ‘Yung picture na iyon ay yung time na niyakap ko si Jez dahil sa family problem niya.
“Tingnan mo yung nakasulat oh!” sabi sa akin ni Jessy habang binabasa yung nakasulat.
“Sinong may gawa nito?” gulat kong tanong.
BINABASA MO ANG
Meet That Boy
أدب المراهقينAng MeetThatBoy ay kwento ng isang babae na na-stuck ang buhay sa bangungot ng kanyang nakaraan. But not until she met that boy na nagturo sa kanya kung paano ipagpatuloy ang buhay. Ang buhay na masaya at puno ng pag-ibig. Pero paano kung ang nangya...