Chapter 50: Marry
Kahit wala na si Klyde ay nanatili akong tulala. Bumalik sa aking isipan ang mga nangyari, mariin kong ipinikit ang mga mata at napatampal sa noo. Nag-init ang aking pisngi at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang hiya na nararamdaman ko. Nanggigigil ako sa sarili at gusto kong sumigaw nang sumigaw.
Marahan kong tinampal ang aking pisngi at marahas na bumuntonghininga. Pinilit ko ang sarili na kumilos upang simulan na ang pag-aayos sa aking mga gamit. Kaonti lang naman ang dala ko, baka kaya itong tapusin ng kalahating araw lang.
Una kong pinasok ang kuwarto, iyon ang dapat kong ayusin para sa mga personal kong kailangan. Nilbot ko ang tingin at pinagmasdan ang magiging pribado kong lugar. Malawak naman siya, may kama, study table, closet, at bathroom.
Nilapag ko ang aking maleta sa kama at namaywang, mabilis lang ito. Iaayos ko lang naman ang mga dala kong gamit. Itinali ko ang mahaba kong buhok at sinimulan na ang dapat gawin. Ang simpleng paglipat kong ito ay nakaka- proud na sa aking sarili.
Mabilis akong kumilos, marahil ay dahil sa kasabikan kaya hindi agad ako nakaramdam ng pagod. Ngunit sa kalagitnaan ng ginagawa ay malalim akong bumuntonghininga. Pawisan na ako at dumidikit na ang buhok ko sa aking balat.
"Ano ba naman 'yan!" Reklamo ko, nakasimangot.
Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa aking noo at halos mapatalon sa gulat nang biglang pumasok si Klyde sa kuwarto. Nakasuot na lang siya ngayon ng puting sando at shorts, basa rin ang kanyang buhok. Naligo siya. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan ngunit agad ring umiwas dahil pakiramdam ko ay isa iyong kasalanan. Kumunot ang noo ko nang may mapagtanto, pumunta siya rito nang ganiyan ang suot! Para namang nasa bahay lang!
"Pumunta ka rito nang gan'yan?" Iminuwestra ko ang kabuoan niya.
Nagtaas siya ng kilay. "Ano ba dapat? Do I need to wear a tuxedo, baby?"
Parang ngayon ko pa lang naramdaman ang labis na pagod. Namaywang ako at nagsimulang manermon sa kanya.
"Klyde, wala ka sa bahay," I pointed out.
"And?" He asked, unti-onti nang lumalapit sa akin.
Nagbalak siyang hapitin ako sa baywang pero lumayo kaagad ako. Pawis pa ako at kakaligo niya lang, nakakahiya namang dumikit-dikit sa kanya. He sighed when he realized that I won't let him touch me.
"Klyde, sana nagsuot ka ng T-shirt. You came here wearing only a sando, really? Paano kung may nakasalubong ka riyan, ha? Gustong-gusto mo rin–"
"Possessive, are we?" He smirked.
"Tsk, hindi! Kahit pa maglakad kang nakahubad diyan!" Inirapan ko siya.
Nakakainis ang lalaking ito. Yumayabang yata, palibhasa alam niyang hindi na siya patpatin.
He chuckled, hindi talaga napipigilan ang paglapit sa akin. "Claire, magkatabi lang tayo ng condo."
"What?" mahinang sabi ko at unti-onting may napagtanto. "Ikaw 'yong nakakuha riyan sa kabila?"
"Ako nga, s'yempre gusto kong malapit lang sa girlfriend ko."
"Kaya pala ang bilis mong nakabalik," sabi ko at muling pinasadahan ng tingin ang ayos niya.
Tumawa lang siya at hinila ako palapit sa kanya. Sinubukan kong itulak siya ulit pero hinawakan niya ang kamay ko. Yumuko siya at inamoy ang aking leeg. Agad akong napaatras.
"Ano ba?" I hissed.
He laughed. "Amoy baby kong pawis."
Sinamaan ko siya ng tingin at pilit na kumawala sa hawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at binigyan pa ako ng nanghahamong tingin. Nang mapansin niyang napipikon na ako ay doon pa lamang niya ako pinakawalan.
BINABASA MO ANG
Innocent Love (Possession Series#1)
Teen FictionPossession Series#1 It all started with a simple crush. Claire Angelica Ramirez is a typical highschool girl who had a crush on Klyde Aldrix Martinez. It's just a crush, wala sa isip ni Claire ang makipagrelasyon sa lalaki. But things happened, mina...