Chapter 7: Dinner
Maaga akong nagising at maaga ring pumasok. Sanay naman na ako sa ganitong routine tuwing umaga. Kaonti pa lang ang students sa VU dahil nga maaga pa. Kakababa ko pa lang sa sasakyan namin nang matanawan ko rin ang kotse ni Klyde na paparating.
Agad akong nagpaalam sa aking mga magulang at naglakad na paalis. Nang muli akong lumingon ay naka-park na si Klyde, mas binilisan ko pa ang paglalakad upang hindi siya makasabay.
Hindi ko alam. Kahit aminado akong gusto ko siya ay hindi ako komportable kapag malapit siya, naiilang ako. Hindi ko alam ang mga kinikilos niya, he's giving me mixed signals.
Sa aking pagmamadali ay hindi ko napansin ang kaklase namin na si Adrian, nakabunggo ko ito. Mukhang nagulat din siya sa nangyari. Ngunit ang nasa isip ko ngayon ay baka maabutan ako ni Klyde.
"Sorry," mabilis kong paumanhin at hindi na siya hinintay na magsalita pa.
Pagdating sa classroom ay wala pang tao. Mabilis akong nagtungo sa aking upuan nang aking mapansin na bukas ang bag ko. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib nang makitang nawawala ang cellphone kong naroon, marahil ay nahulog ito dahil bukas ang bag ko.
Napahilamos ako sa mukha. Baka makita ng kung sino mang makapulot ang wallpaper ko! Anong sasabihin ko kung sakaling magtanong kung bakit si Klyde ang wallpaper? Ano? Hindi ko na lang aakuhin 'yong cellphone? Pero may mga mahahalagang files ang nakasave roon! At iyong mga dinownload ko, sayang naman!
Handa na akong umalis para hanapin ang cellphone nang sakto naman na pumasok sa classroom si Adrian. Nakayuko siya at kunot ang noong pinagmamasdan ang cellphone ko sa kanyang kamay. Siya ang nakapulot!
"A-akin 'yan! Nahulog ko," Agad kong sinabi.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "Sa'yo pala. Here."
Inabot nito ang cellphone ko, kinuha ko naman iyon sa nanginginig pang kamay. Kinakabahan ako dahil baka nakita niya ang wallpaper ko. Nakakahiya iyon kung sakali. Malapit pa naman siya kay Klyde.
"Ah, n-nakita mo ba 'yong..." hindi ko maituloy ang aking sasabihin dahil sa hiya.
"Oo, nakita ko." Natawa si Adrian.
Sa tingin ko ay namumula na ako sa kahihiyan ngayon. Nakita lang naman niya na wallpaper ko ang lalaking hinahangaan ng napakaraming babae! Gusto ko na lang lamunin ng lupa ngayon o 'di kaya ay maglaho na parang bula. Tatanggapin ko ang ano mang kahihinatnan, makaligtas lang sa kahihiyan.
"Nakita ang alin?"
Hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot ni Klyde. Nanlaki ang aking mga mata nang kunin niya sa akin ang cellphone ko. Domoble ang aking kabang nararamdaman. Kinuha niya iyong cellphone ko! Maaaring makita niya ang wallpaper ko, sorang nakakahiya!
"K-klyde..." pangalan lamang niya ang nasambit ko.
Gusto kong kunin ang cellphone sa kanya pero para na akong nadikit sa aking kinatatayuan at hindi na makagalaw. Nakagat ko ang pang-ibabang labi.
Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa cellphone ko. Bakas ang iritasyon sa kaniyang mukha ngunit nabago iyon at napalitan ng gulat nang mabuksan niya ang cellphone.
Napayuko ako. Nakita na niya! Nakakahiya talaga! Sobrang nakakahiya, Claire! Nakakahiya!
Nag-angat din ako ng tingin nang makitang ilabas niya ang kaniyang cellphone, iniharap niya ito sa akin at ikinagulat ko nang makita ang stolen shot ko na wallpaper niya. Kagaya ng reaksyon niya kanina ay nanlaki rin ang mata ko sa gulat.
Siguro nga ay ito na ang sinasabi nilang 'butterfly on my stomach' dahil parang may kung-ano ang kumikiliti sa akin.
"You mean..." hindi ko naituloy ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Innocent Love (Possession Series#1)
Teen FictionPossession Series#1 It all started with a simple crush. Claire Angelica Ramirez is a typical highschool girl who had a crush on Klyde Aldrix Martinez. It's just a crush, wala sa isip ni Claire ang makipagrelasyon sa lalaki. But things happened, mina...