Chapter 23

45 6 0
                                    

Chapter 23: Pool

Maingay sa canteen nang mag-lunch. Punong-puno rito dahil sa maraming students na siguradong nagutuman sa practice. Mabuti na lamang at si Klyde na ang bumili kaya hindi ko na kinailangan ang pumila. Naghintay na lamang ako sa table namin.

"Do you have a plan on making me fat? Palagi na lang marami ang binibili mong pagkain, minsan ay napipilitan na akong ubsuin," sabi ko sa kaniya pagbalik nito.

He tilted his head. "Oo nga, 'no? Mas magiging cute ka kapag gano'n."

"Tch. 'Wag mo akong binibiro, hindi ko pa nakakalimutan na nilapitan ka ng babae sa bar."

"Hindi mo pa rin nakalilimutan si Avery?" He said with an amusement.

"Wow, first name basis. Close na kayo?" Sarkastiko kong sabi.

"You're jealous again, baby. Ang cute mo talaga." Tumawa siya.

Kinurot niya ang aking pisngi na agad kong tinabig. Ngumuso ako. Napakahilig niyang gawin iyon, tinatrato niya akong bata.

"E'di wow, Klyde. Ikaw na ang may Avery..."

Nagkunwari akong nakapokus sa pagkain. Dire-diretso ang subo ko upang baliwalain ang kanyang tingin.

"Wala akong Avery, Claire lang ang mayroon..."

"Ako lang ba talaga? Oh, baka naman gusto mo na rin si Avery?" Seryoso kong sambit.

"Aish! baby, hindi na ako magkakagusto sa iba dahil nahanap ko na 'yong para sa akin. Bakit ko siya magugustuhan? Hindi naman siya si Claire. Hindi siya 'yong para sa akin."

Hindi na ako nagsalita pa pagkatapos noon. Ramdam ko ang biglaang pagbabago ng mood kagaya ng nangyari kanina. What's wrong with me? Tahimik akong kumain, kapag may sinasabi siya ay tanging tango at iling lamang ang aking sagot. 

Sa hapon ay may practice ulit sila Klyde ng basketball. Sa Section B ang court kapag umaga at sa kanila naman tuwing hapon. Isinabay na niya ako papuntang court dahil doon ulit ako maghihintay sa kanya.

Kagaya kahapon ay may mga nanonood, iyong iba naman ay tumatambay lang. Sinabi ni Klyde na doon na ako sa baba pumwesto ngunit mas pinili kong doon na lamang sa dati dahil malayo sa mga tao.

He said 'okay' at nagpaalam na pupuntahan ang mga kasamahan. Tinakbo niya ang court at nakipag-usap kila Ace. Kapagkuwan ay bumalik din siya sa kinaroroonan ko at naupo sa aking tabi.

"Bakit hindi pa kayo mag-umpisa? Sayang ang oras," sabi ko.

"Adrian is not here yet. We need to wait for him, baby."

"Kung ganoon ay ako na ang maghahanap sa kan'ya."

Agad niya akong sinundan nang tumayo ako.

"Huwag na, Claire. Darating din iyon."

"Ayos lang, Klyde. Mabilis lang 'to."

Hindi ko na hinintay pa na magsalita niya. Tumakbo na ako palabas ng gym at kahit pa naririnig ko ang pagtawag niya ay hindi pa rin ako tumigil. Pagdating sa hallway ay nagpalinga-linga ako sa paligid baka sakaling mahanap si Adrian.

Sumilay ang isang tipid na ngiti sa aking labi nang makita ang pamilyar na bulto ng lalaking naglalakad patungong library. Si Adrian iyon.

"Adrian!" Tawag ko sa lalaki ngunit hindi ito lumingon.

Baka hindi niya ako naririnig. Nilapitan ko na lamang siya.

"Adri–"

Natigilan ako nang makitang hindi pala si Adrian iyon kung hindi ay si Aldrin. Kaya naman pala hindi siya lumilingon nang tinawag ko kanina. Pareho kasi sila ng taas at ganoon na rin sa body built.

Innocent Love (Possession Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon