Chapter 29

62 8 0
                                    

Chapter 29: Shuttlecock

Maaga akong nagising kinaumagahan. Saglit pa akong tumunganga sa kama bago nagpunta sa banyo para gawin ang morning routine ko. Lumabas ako sa kuwarto nang naka-uniform na. Naabutan ko ang mga magulang ko sa ibaba na naghahanda na rin para sa pasok sa trabaho. Bumuntonghininga lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Claire, bilisan mo na ang kumain at aalis na tayo!" Sabi ni Mommy, hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Tahimik akong humarap sa hapag para sabayan sila sa pagkain. Habang ginagalaw ang mga kubyertos ay pinagmasdan ko sila. Mommy's talking to someone on the phone while eating. Meanwhile, Dad is reading something about bussiness. Palaging ganito ang eksena.

Yumuko ako at matamlay na ipinagpatuloy ang pagkain. We can't even greet each other a good morning. I know I shouldn't be thinking like this, dapat ay maintindihan ko ang ginagawa nila para sa akin. But I can't help but to feel jealous, mabuti pa ang work ay napagtutuonan nila ng atensyon.

Pinilig ko na lamang ang aking ulo at hindi na pinansin ang aking mga iniisip. I am Claire Ramirez, hindi dapat ako nag-iisip ng ganito dahil mapapagalitan ako ng mga magulang ko. Ang palagi nilang sinasabi sa akin ay "always think positive and avoid negative thoughts" dahil kapag nagpaapekto ka ay ikaw rin ang matatalo.

Hinatid nila ako sa Valiria University pagkatapos no'n, pagkababa ay pinagmasdan ko ang papalayo nilang sasakyan. Bigla akong nalungkot, may kung anong kurot sa aking puso. Naiintindihan ko naman sila pero hindi ko maiwasan ang maghangad ng kahit kaonting oras lang nila.

"Oh, ba't malungkot na naman ang mga mata ng baby ko?"

Bigla na lang sumulpot sa aking harapan si Klyde at niyuko ako. Napaatras ako sa naging aksyon niya. Ngumiti siya at umayos ng tayo. Mukhang kararating lang din niya dahil nakasukbit pa ang isang strap ng bag niya sa kanyang balikat.

"Good morning," he greeted.

"Good morning." I smiled.

"Klyde!" Malakas na tawag ni Mark, desperado.

Nanlaki ang mga mata ni Klyde sa presensiya ng kaibigan. Mabilis namang nakalapit si Mark pero agad namang lumayo ang isa. Siguro'y may ginawa na naman ang mga itong kalokohan.

"Tigilan mo nga ako," asik ni Klyde.

Nagpaikot-ikot silang dalawa sa akin. Nadamay na naman ako.

"Hoy! hindi nakakatuwa 'yon, ah? Burahin mo na kasi, Klyde. Naman, oh. Wala na nga 'yong record mo sa'kin, matagal ko nang di-ne-lete 'yon."

"Sino ba kasing may sabi na matulog kayo sa bahay?" Natawa si Klyde.

So, Klyde is the one who did something now? Parehas lang sila ni Mark na loko-loko.

"Bro!" Maktol ni Mark, bumaba ang tingin niya sa kamay ko. "Cellphone ni Klyde 'yan, 'di ba?"

"Hm, oo." Tumango ako.

Agad niyang kinuha sa akin iyon, hindi na ako nakaapila pa.

"Wala riyan 'yon–"

"What the hell, Klyde! Ano 'to?" Ang sigaw ni Mark ang pumutol sa sasabihin ni Klyde.

Bakit naman ganiyan ang reaksiyon niya? Ano ba ang mayroon sa cellphone ni Klyde? Ako pa naman ang may hawak no'n magdamag, hindi ko maiwasang mapaisip.

Nagkatinginan kami ni Klyde at parehas na nagkibit-balikat sa inaakto ng kaibigan niya. Nagtatakang lumapit kami sa kanya at bumungad sa amin ang mga message ni Avery, mukhang hindi ko na nakita dahil nakatulog na ako kagabi.

Innocent Love (Possession Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon