Chapter 19: Answer key
Pinagmasdan ko ang mga nagtatakbuhang students. Hindi ko alam kung bakit naghahabulan ang mga ito gayong napakainit ng sikat ng araw. Rinig na rinig ang ingay ng mga estudyante sa field.
Nasa tambayang puno kami at kinukulit ni Mark. Nakakapagtaka nga dahil kaninang umaga ay labis ito kung makangiti sa amin tapos ngayon ay para na siyang naguguluhan at nauubusan ng pasensiya sa amin.
"Wala ba talaga kayong maalala?!"
"Wala nga!" Sabay naming sagot ni Klyde.
Kanina pa siya tanong nang tanong at paulit-ulit lang naman ang sagot namin, medyo nakakasawa na nga.
"Aish! Anong petsa ngayon?" Tanong na naman nito, halos mapahilamos sa mukha.
"25."
"Ano'ng meron sa 25?" May pag-asa sa boses niya.
Ang weird talaga ng inaakto niya ngayon. Umagang-umaga kanina ay sinalubong niya kami at nagsimula nang magtanong-tanong. Kung may gusto siyang ipaalam ay maaari namang sabihin niya na lang.
"Ano ba ang meron sa 25?" Balik naming tanong, naguguluhan.
Napatampal sa noo ang kaibigan ni Klyde. Tila problemadong-problemado na ito sa amin. Narinig namin ang pag buntonghininga ni Zach na tila napapagod na sa nakikita. Prente itong nakasandal sa puno habang kaming tatlo ay nakatayo sa harapan niya.
"Ibang klase! Hindi niyo maalala?"
Napabuga ng hangin si Mark na tila hindi talaga siya makapaniwala. Umangat ang kamay niya upang ituro kami pero agad ring bumaba, napailing siya at pinagkunutan kami ng noo.
"Mga taga-bundok ba kayo?" Sarkastiko niyang tanong.
"Ginugulo mo na naman kasi 'yang dalawa, alam mo namang araw nila ito," bagot na komento ni Zach.
"Iyon nga bro, e. Hindi nila maalala!" Frustrated na sagot ni Mark.
Napatingin sa amin si Zach. "Wala ba talaga kayong maalala sa araw na ito?"
"Wala nga. Ano ba'ng meron? Mayroon bang may birthday sa inyo?" Naguguluhan kong tanong.
Nagkatinginan ang dalawa. Nagkibit-balikat si Zach, tila ipinapaubaya na kay Mark ang pagsasagot. Nauubusan na yata sila ng pasensiya sa amin.
"Today is your monthsary," poker-face na sabi ni Mark.
Nagkatinginan kami ni Klyde at sabay na napakunot ang noo. Pagkatapos ay muli kaming bumaling sa dalawa.
"Ano ngayon kung monthsary namin?"
"The fuck?!" Matigas na mura ni Mark. "Pati 'yon, hindi niyo alam?! Magkasintahan ba talaga kayo?"
"Of course." Umakbay sa akin si Klyde. "Girlfriend ko si Claire."
"Pero monthsary niyo, nakalimutan mo?" Sarkastiko pa rin si Mark.
"Ba't parang mas apektado ka pa sa kanila?" Natatawang sumingit si Zach.
"Syempre, bro! Ako 'yong saksi no'ng maging sila. Inaasahan kong paghahandaan ito ng kaibigan natin."
"Ano bang... " Binitin ni Klyde ang sasabihin at napaiwas ng tingin. " ... ginagawa tuwing monthsary?"
"Bro, i-search mo sa google," sarkastiko at pabirong sinabi ni Zach. Kapagkuwan ay inakbayan nito si Mark. "Alis na kami. Enjoy your day."
Nakasimangot na sumama si Mark kay Zach. Habang papalayo sila ay naririnig ko pa rin ang mga rants nito. Napatango-tango na lang si Zach at tinapik ang kaibigan sa balikat.

BINABASA MO ANG
Innocent Love (Possession Series#1)
Teen FictionPossession Series#1 It all started with a simple crush. Claire Angelica Ramirez is a typical highschool girl who had a crush on Klyde Aldrix Martinez. It's just a crush, wala sa isip ni Claire ang makipagrelasyon sa lalaki. But things happened, mina...