Chapter 21: Worth
Wala kaming naging imikan ni Yassi sa buong linggo na iyon. Naiintindihan ko naman ang pagiging tahimik niya dahil nga sa nangyari. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagbalik niya sa dating upuan pagkatapos ng exam. Wala akong nagawa noon kung hindi ang sundan siya ng tingin.
Nakakalungkot lang dahil unti-onti na kaming napapalapit sa isa't isa pero ngayon ay nilalayo na naman niya ang sarili sa akin. Naramdaman ko, unti-onti na niyang binubuksan ang puso para sa akin. She's slowly accepting me as her friend but that shit happened. Maybe she didn't have a choice, naging desperado siya.
Nakahinga nang maluwag ang lahat dahil tapos na ang examination. Dahil nagsikap at nag-aral nang mabuti ay pasado naman ang lahat, mabuti iyon. Nang matapos ang exam ay saka ko lang nalaman na nagpustahan pala ang mga kaklase ko at nagpataasan ng score.
Hindi na rin nabanggit ng mga magulang ko ang tungkol sa pakikipag-usap nila kay Ma'am Kristine dahil mas naging busy na sila sa work. Hindi naman na big deal iyon sa akin. Wala akong ginawang kasalanan kaya ano man ang naging usapan nila ay wala lang sa akin.
"You deserve that, bitch! Wala kang hiya!"
Tahimik akong naglalakad sa hallway nang makita kong pinagtutulungan ng mga taga-kabilang section si Yassi. Kahit mag-isa niya ay nanatiling matapang ang mga mata ng babae.
"Oh, really? Fuck you," madiing mura ni Yassi sa babaeng sumigaw sa kanya.
Hawak siya ng dalawang babae sa magkabilang kamay, sa harapan niya ay isa pang babae. Magulo ang kanyang buhok na tila galing lang sa pakikipagsabunutan. Marami ang nambubully sa kanya ngayon dahil kumalat ang ginawa niya, gayunman ay nanatili siyang mabagsik.
Tumakbo ako at nilapitan ang mga ito.
"Tigilan niyo nga 'yan!" Sigaw ko pero tila wala silang narinig.
"Desperate much ka talaga! Hindi ka pa ba nakontento sa ginawa mong paninira kila Premalyn noon?" Sabi pa ng parehong babae na sumigaw kanina.
"Hindi pa. Gusto mo, ikaw ang isunod ko?" Sarkastikong tugon ni Yassi at winaksi ang kamay ng mga nakahawak sa kanya.
Akma siyang susugod sa tatlong babae pero hinawakan ko ang braso niya. Marahas ako nitong nilingon, mas tumapang ang kanyang mga mata at umigting ang kanyang panga sa pangigigil.
"Bitiwan mo ako," mariin niyang sabi.
Umiling lamang ako. "Stop this, Yassi."
Humalakhak ang isa sa babaeng kaaway ni Yassi. "Tignan niyo nga naman, hindi niya talaga itinatanggi na desperada siya."
"Bakit? Inggit ka? Magpaka-desperate ka rin!" Gigil na sambit ni Yassi rito.
"No, thanks. Ayokong maging katulad mo."
Ano ba ang ipinaglalaban ng mga babaeng ito? Wala naman silang napapala aa pambubully kay Yassi.
"Binubwisit talaga ako ng babaeng 'to, e." Akmang susugod na naman si Yassi pero pinigilan ko siya.
Malalim akong bumuntonghininga. Pilit siyang kumakawala sa akin pero hinigpitan ko ang hawak sa kanya. Mas mabuting hindi na lang siya pumatol. Dehado na nga siya ay matapang pa rin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa buhay niya.
"Tama na 'yan. Halika na," Sabi ko at hinila siya sa braso kahit nagpupumiglas pa siya.
Kahit papalayo na sa isa't isa ay nagsasagutan pa rin ang mga ito. Ibang klase, palaban. Hindi ko alam kung anong section ang mga babaeng iyo pero masyado silang pabida. Ano ang pakialam nila sa mga pinaggagagawa ni Yassi? Wala. Pero kung makagano'n ay parang sila ang ginawan ng masama.
BINABASA MO ANG
Innocent Love (Possession Series#1)
Novela JuvenilPossession Series#1 It all started with a simple crush. Claire Angelica Ramirez is a typical highschool girl who had a crush on Klyde Aldrix Martinez. It's just a crush, wala sa isip ni Claire ang makipagrelasyon sa lalaki. But things happened, mina...