Chapter 33

33 5 0
                                    

Chapter 33: Tears and smiles

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga narinig. Hindi ko ito inaasahan. Yeah, I suspected that two of them are brothers pero hindi ko inaasahan na magkakapatid silang tatlo.

This is... crazy.

Mula sa akin ay lumipat ang tingin ni Aldrin sa aking likuran. Mas tumindi ang galit sa kanyang mga mata. His jaw clenched repeatedly. Nilingon ko ang tinitignan niya. Napakurap-kurap ako nang makita si Klyde, awang ang labi at kunot ang noo.

Narinig niya ang usapan namin at base sa kanyang reaksyon ay mas hindi niya inaasahan ito. Siyempre, Adrian's been his friend for years.

"Ang ibig mong sabihin... kapatid ko rin si Adrian?" Tanong ni Klyde sa mahinang na boses.

"You are not our brother," sobrang lamig na tugon ni Aldrin.

Nasasaktan ako para kay Klyde. Wala siyang kasalanan, lahat sila rito ay biktima ng mga naging desisyon ng kanilang mga magulang. Hindi lang naman sila ang naghirap, nasaktan din si Klyde sa puder ng kanilang ama.

"Sabihin mo sa akin, kapatid ko ba si Adrian?" Pagod nang tanong ni Klyde.

Nanatiling nakatitig lang sa kanya si Aldrin.

"Ano ba?! Magsalita ka!"

Nanlaki ang aking mga mata nang sugurin ni Klyde si Aldrin, kinuwelyuhan niya ito. Sinubukan kong pumagitna pero napapaatras ako sa takot dahil sa galit na binibigay nila sa isa't isa.

"Bitawan mo ako." Si Aldrin, may pagtitimpi sa boses.

Nang hindi siya sinunod ni Klyde ay siya na mismo ang tumanggal sa kamay nito.

"Ano ba talaga ang problema mo? Ano ba ang ginawa ko sa'yo at ganiyan mo ako pakitunguhan?" Maging si Klyde ay kontrolado na ang boses.

"I supposed to be the one asking you that. Ano ba'ng nagawa namin sa inyo?" Aldrin equalled the pain on his brother's voice.

Mabilis na ang tibok ng aking puso sa kaba. Natatakot akong baka bigla na lamang nilang sugurin ang isa't isa. Iilan lamang ang dumadaan, may mga nakakita pero piniling huwag mangialam.

"Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit mo. Wala naman talaga akong kasalanan sa'yo."

Sarkastikong ngumisi si Aldrin na tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Klyde.

"Ano'ng kasalanan mo?" Sobrang hina ng boses niya at kasunod noon ay ang kanyang pagsabog. "Ang lahat ng ito! Ay kasalanan mo! Kung hindi ka dumating sa mundo hindi ganito ang mangyayari!"

"Aldrin!" Naisigaw ko, masyadong masakit ang mga sinabi niya.

"So, Klyde! It's entirely your fault! It's all your fault!" Tila wala nang pakialam si Aldrin sa kung ano'ng masabi niya, patuloy na lamang siya sa pagsasalita.

This is frustrating! Nilingon ko ang reaksyon ni Klyde. Tulala siya, malamig na rin ang mga mata. But if you will look closely, the pain is still there.

"Ang lakas ng loob mong humingi ng pagtanggap na ipinagkait din sa amin!" Puno ng hinanakit na sigaw ni Aldrin. "Ang bata ko pa noon! Ang bata pa ni Adrian! Pareho rin naman kaming wala alam, ah? Pero bakit kami ang tumanggap sa masasakit na salita? Bakit kami ang nagdusa?"

Hindi ko na alam ang mararamdaman. Maging kay Aldrin ay naaawa ako, masakit din ang dinanas nila. Hindi naman namin nakita ang naging paghihirap nila. Wala rin kaming alam sa nangyari sa mga ito.

"Ilang taon lang ang Mama ko no'n! She was just a teenager for fuck's sake! Pero tinalikuran siya ng lahat! All those years! Mag-isa siya, Klyde! Habang kayo! Nag-eenjoy! Sa marangya! Niyong buhay!"

Innocent Love (Possession Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon