Chapter 15

48 10 0
                                    

Chapter 15: Role play

Sumapit na ang gabi at dumating na rin sila Mommy kanina pa. Totoong nagpaalam nga si Klyde sa kanila dahil ang agad na tanong ni ina ko sa akin nang makarating sila ay kung hinatid daw ba ako ng lalaki.

Pagtapos namin mag-dinner ay hindi muna ako pumasok sa kuwarto ko at tumambay muna sa sala.

Hindi ko mapigilan ang pagnguso nang maalala ang sinabi ni Klyde kanina. Nagseselos siya, that's normal when you're in a relationship, right? Ilang beses na rin niyang nasabi na mahal niya ako, but does he really mean that? O nasasabi niya lang iyon dahil nasa isang relasyon kami?

Alam niya ba ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya? Gusto namin ang isa't isa, doon iyon nag-umpisa. Darating ba kami sa puntong magmamahal kami?

"Mukhang malalim ang iniisip mo?"

Hindi ko na namalayan ang paglapit sa akin ni Mommy. Magaan ang bawat hakbang niya nang maupo sa tabi ko.

"Mom, I have a question." Hinarap ko ang aking ina.

"Hmm, what is it?" She asked as she gently caress my hair.

"Bakit niyo po pinayagan si Klyde? I mean, you're very strict to me. Ang inaasahan ko ay hindi niyo ako papayagan na makipagrelasyon."

She smiled before she answered, "It's because we want you to learn how to decide for yourself. What's the use of being strict to you kung hindi mo alam ang magdesisyon para sa sarili mo? Kailangan mo ng karanasan para matuto."

"Mom, do you love Daddy?" Wala sa sariling tanong ko.

"Of course, honey." Mahina siyang natawa. "I won't marry your dad kung hindi ko siya mahal."

"Kailan po nag-umpisa? Kailan niyo nalaman na mahal niyo na si Daddy?"

"I don't really know. I think when we were in college." Napatingin sa akin sa Mommy nang may kakaibang ngiti sa labi. "My daughter has a lot of questions, huh? Why? Are you in love with Klyde?"

"Mom! H-hindi po." Naging mahina ang tinig ko sa huling sinabi.

I'm not really sure, am I in love?

"Claire, it's okay to love at a young age. Just be wise on making decisions, sometimes even if you love each other, meron at meron pa ring magiging dahilan para maghiwalay kayo."

I stared at my mother. Malamyos itong ngumiti nang makita ang naguguluhan kong mukha.

"Paano kung mahal ko na nga po siya, masasaktan po ba ako?"

"Kaakibat ng pagmamahal ang masaktan kaya kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan. You're still young, Claire. Kapag nasaktan ka kay Klyde, may darating pa rin para mahalin ka."

Hindi ako nakapagsalita. Naiwan akong walang nasasani. Then, what is this? Bakit ako pumasok sa isang relasyon? Hindi ba dahil gusto ko siyang makasama at ayoko na nang iba pa?

Tumayo na si Mommy ngunit mayroon pang sinabi. "When you're old enough, maiisip mo na lang ang mga ginawa mong desisyon kung tama ba ito o mali. Always keep on your mind that we have plans for you. Good night, honey."

Hinalikan ako niya ako sa buhok at binigyan ako ng huling ngiti bago ako iniwan doon.

Naglaro sa isip ko ang mga salitang binitawan ng Mommy ko. Matamlay akong napangiti. May mga plano nga pala sila para sa akin, muntik ko nang makalimutan. Ang kailangan ko lang ay sundin ang lahat ng iyon. Sa huli, mga magulang ko pa rin ang masusunod.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at mabagal ang hakbang na nagtungo sa kuwarto ko. Cellphone ang agad kong pinulot pagpasok. Humiga ako sa kama at tinignan kung online ba si Klyde.

Innocent Love (Possession Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon