Prologue

483 22 0
                                    

CLAIRE ANGELICA RAMIREZ

I took a glance at my wristwatch only to see that it was already seven forty-five, it was almost eight. I am still hoping that he will come. Panay ang lingon ko sa paligid at umaasang pupunta siya pero nabigo lang ako nang hindi siya makita sa dagat ng mga tao.

"Claire, malapit nang mag-eight, halika na," Narinig kong tawag ni Mommy.

Napakabilis ng tibok ng puso ko, nanginginig ang aking mga daliri sa kaba at kumibot ang aking labi sa pagpipigil ng luha. Agad akong nataranta ngunit nagawa pang magsalita.

"S-sandali lang, Mommy, baka po pumunta si..."

Natigilan ako sa pagsasalita, para akong bata na napaiyak nang matanawan ang taong hinihintay ko. Parehong lungkot at tuwa ang aking naramdaman.

Natigil sa pagtakbo si Klyde at nilibot ang tingin sa buong paligid, bakas ang pagkabahala sa kaniyang mukha. Marahas niyang pinasadahan ng daliri ang kaniyang buhok, tila bigo na.

Maging ang mga kasamahan niyang sina Mark at Zach ay mukhang sumusuko na rin dahil bagsak na ang kanilang mga balikat at malungkot ang tingin sa kanilang kaibigan.

Kasabay ng paghulog ng butil ng luha sa aking mata ay ang pagtama ng aming tingin ni Klyde. Napaawang ang kaniyang labi nang makita ako. Hindi siya gumalaw sa kaniyang kinatatayuan at nanatili lang na nakatingin sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Mas nauna pang naglakad ang mga kaibigan niya patungo sa amin habang siya ay nanatili lang na nakasunod sa kanila, kung gaano kabilis ang takbo niya kanina ay siya ring bagal ng lakad niya ngayon.

Kahit umiiyak ay nagawa ko pa rin ang ngumiti nang makalapit ang mga ito. Sinuklian ng dalawa ang ngiti ko habang si Klyde ay nanatiling seryoso ang tingin sa akin. I can't explain the fast beating of my heart, knowing that he's really here.

"Claire," Panimula ni Mark.

Wala ngayon ang mapang-asar niyang tingin, ang palabiro niyang mga mata ay napalitan ng lungkot. Malungkot akong ngumiti.

"Aalis ka pala talaga. Mag-iingat ka roon, ha? Huwag mong ipagpapalit ang kaibigan ko sa lalaking may mais na buhok. Tapos uwian mo na rin ako ng pasalubong pagbalik mo."

Pareho kami na mahinang natawa sa huli niyang sinabi, ngunit hindi kagaya ng aming nakasanayan ay hindi iyon nagtagal at nauwi sa isang malungkot na ngiti.

"Huwag ka nang mag-alala kay Klyde dahil kami'ng bahala sa kan'ya." Tipid na ngumiti si Zach.

"Mami-miss ko kayong dalawa," Mahina kong sabi.

Napakurap-kurap ako dahil sa pamumuo na naman ng panibagong luha sa aking mga mata. Ang mga alaala namin ay nagbalik sa aking isipan, kung paano kami nagsimula hanggang sa maging magkaibigan.

"Ako, hindi mo mami-miss?" Isang pamilyar na boses ng babae sa kanilang likuran.

"Yassi!" Tawag ko nang makita ito, agad siyang dinamba ng yakap.

Labis na emosyon ang aking naramdaman, hindi ko inaasahan na maging si Yassi ay pupunta rito. Akala ko ay aalis akong walang ibang nakakaalam. Akala ko aalis akong walang maayos na paalam sa kanila.

"Mag-iingat ka, Claire. Kapag nalulungkot ka ay tawagan mo lang ako. Huwag kang iiyak, ha? I love you. You are the best friend."

Parang may humaplos sa aking puso. Hindi ko makakalimutan kung paano kami nag-umpisa ni Yassi bilang magka-kumpetensya pero heto kami at naging matalik na magkaibigan. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari.

"I love you too. Mag-iingat ka rin," Mahinang sabi ko bago kumalas sa yakap.

"Kami, Claire, hindi mo yayakapin? Joke." Agad ring binawi ni Mark ang kaniyang sinabi.

Tipid akong ngumiti at binigyan din sila ng yakap ni Zach, mukhang hindi pa inaasahan ni Mark na gagawin ko ang panunukso niya. Maging ang dalawang ito ay nagkaroon din ng malaking parte sa buhay ko. Sila ang unang nagpakita sa'kin ng isang tunay na pagkakaibigan.

Nang kalasin ko ang yakap sa dalawa ay bumaling naman ako sa kay Klyde na kanina pa tahimik. Hinintay kong magsalita siya pero umiwas lamang ito ng tingin, napalunok siya at kumislap ang luha na namumuo sa kaniyang mga mata.

Naninikip ang aking dibdib, lalo na at nakikita kong nagpipigil lamang siya ng luha. Dahil alam ko ang mga dinanas niya ay ayaw ko nang makita siyang malungkot o nasasaktan. He has done enough, hangga't maaari ay huwag na sanang dagdagan.

Maliliit ang hakbang na lumapit ako at marahang niyakap siya. Dahil hanggang dibdib lang ako nito ay rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Lumipas pa ang ilang saglit bago ko naramdaman ang pagyakap niya sa akin pabalik. Mula sa maluwag ay naging sobrang higpit no'n na tila ba pagkatapos nito ay hindi na namin muling mahahagkan ang isa't isa.

"I love you, baby... please, come back to me." Pinatakan niya ako ng halik sa buhok.

Ramdam ko ang sakit sa kaniyang tinig, kasabay no'n ay ang pagtulo ng mainit na likido sa aking balat. Mas humigpit ang yakap niya sa akin at pakiramdam ko'y dinudurog ang puso ko nang marinig ang kaniyang hikbi na tila ba kanina pa nagpipigil.

"I will. I love you too." Ang huli kong sinabi bago narinig ang pagtawag ng aking ina.

Nang pakawalan niya ako ay agad na akong tumalikod para itago ang pagluha. Pinigilan ko ang paghikbi at nagpatuloy sa paglakad nang hindi na sila nililingon pa.

Innocent Love (Possession Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon