Chapter 48

44 4 0
                                    

Chaper 48: Distance

Unang gabi ko nang wala sa Pilipinas ay tumunaw ako sa kalangitan at inisip kung gaano kami kalayo ni Klyde sa isa't isa. Ang mga bituin ang siyang nagsisilbi naming koneksyon ngayon. Naiisip ko tuloy kung kagaya ko rin ba ay nakatanaw siya ngayon sa kalangitan.

Kalahating araw pa lamang ay inaatake na ako ng kalungkutan. Pilit kong inaabala ang aking sarili pero lumilipad talaga sa Pilipinas ang aking isipan. Pagbaba pa lamang kanina sa eroplano ay agad ko nang naramdaman ang ibang atmosphere. Mayroon na agad iyong kagustuhan kong bumalik sa Pilipinas.

Kinaumagahan, kahit nakakaramdam na ng gutom ay mas pinili kong magmasid muna sa paligid. Nagtungo ako sa back yard, hindi ko maiwasang alalahanin at ikumpara ang mga karanasan ko sa Pilipinas. Ang puso ko'y gustong-gusto nang bumalik doon.

Wala sa sarili akong napangiti nang magbalik sa aking isipan ang kalokohan ng aking mga kaklase, lalong-lalo na ang pagkakaibigan nila Klyde. Sayang lang at hindi ko makikita kung paano mag seryoso ang mga iyon, lalo na si Mark.

Torture sa akin ang unang linggo ko sa America. Naho-homesick ako. Noong araw na iyon ay tumawag din si Klyde dahil hindi na raw ako tumatawag sa kanya, hindi ko naman alam na naghihintay pala siya. Halos ginugol namin ang buong oras sa pag-uusap.

Mas lalo lamang akong nalungkot nang bumalik na si Daddy sa Pilipinas. Ang maiwan kami ni Mommy ay tila kayhirap sa akin, lalo na at buong buhay ko ay nakaagapay silang dalawa sa akin. Gano'n man, pinilit ko ang sariling sanayin ang bago kong buhay.

Dumating ang araw ng kaarawan ni Klyde, Abril 23. Hindi ko siya mabati nang personal kaya naman nag-send na lamang ako ng napakahabang message sa kanya. Agad niya itong na-seen at ilang saglit lang ay tumawag na sa akin.

"Baby..." Sumalubong sa aking pandinig ang paos niyang tinig.

"Hmm, how's your day? Inaasahan kong walang negatibong nangyari ngayong araw ng kaarawan mo," agad kong sinabi.

"I am fine here, how about you? I miss you already, Claire."

Bumuntonghininga ako at napakagat sa aking pang-ibabang labi. Umayos ako ng pagkakatayo at sumandal sa railings.

"I am doing good here, don't worry."

"Ilang taon na lang ay puwede na kitang pakasalan," aniya sa kabilang linya.

"Nag-nineteen ka lang ay iyan na ang naiisip mo. Matagal pa nga ang uwi ko riyan."

"Pagkauwi mo, pakakasalan agad kita."

I chuckled and shook my head at his statement. Noon pa man ay ganyan na siyang magsalita, sinasang-ayunan ko na lang. Though, lahat naman ng sinasabi ni Klyde ay sigurado siya.

"Klyde, why are you here? It's your party, you should go outside and entertain your visitors."

Kumunot ang noo ko sa pamilyar na boses ni Avery sa kabilang linya. Malambing ang tinig niya at hindi ko alam kung sinasadya niya itong gawing sensual. Agad kong naramdaman ang pait sa aking sistema, hindi ko maiwasan ang mag-isip ng kung ano.

"Do you know what privacy means, Avery? It's my room, you shouldn't—why? Are you talking to that girlfriend of yours again?! Patayin mo na nga 'yan! Epal, e–Avery! Lumabas ka nga!"

Napaawang ang aking labi nang mamatay ang tawag. I am sure it's not Klyde who ended the call, si Avery. Kumalat ang pait sa buo kong sistema. Mabuti pa si Avery ay naroon at nakakasama siya. Ang hirap pala talaga mapalayo, nagkakaroon ng maraming insecurities.

Hindi ko dapat pagselosan ang simpleng gano'n. Malapit sa pamilya nila ang mga Villanueva at natural ay nandoon ang presensya ni Avery ngayong kaarawan ni Klyde. Ang kaso, hindi ko maiwasan. Kung anu-anong senaryo ang tumatakbo sa aking isipan.

Innocent Love (Possession Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon