Chapter 17

42 9 0
                                    

Chapter 17: Date

Walang pasok bukas kaya napahaba ang night talks namin ni Klyde. Sa tagal naming nag-uusap sa chat ay hindi pa kami nauubusan ng topic. Siguro ay ganoon talaga kapag gusto mong kausap ang isang tao. Masaya ako kahit minsan walang kabuluhan 'yong mga pinag-uusapan namin.

It was already seven in the morning when I woke up. It's not a problem, though. We don't have a class because it's Saturday. Nakasanayan ko na ang matulog nang matagal kapag walang pasok.

Hindi ko alam kung nandito pa ba sila Mommy. Walang pinipiling oras ang trabaho nila. Our company needs them. I don't have any problem with that because they already explained it to me even when I was still young.

Hindi ko na inalintana ang magulo kong buhok, basta ko na lang itong itinali at bumaba na. Sanay naman ako sa ganitong ayos, lalo na at nasa bahay lang naman ako.

Nagkalat ang mga kasambahay na may kani-kaniyang trabaho pero ang nakaagaw sa aking pansin ay si Manang Belinda, umagang-umaga ay naghahanda ito ng juice.

Nang mapansin ako ni Manang ay agad itong nagsalita.

"Ay, hija! Mabuti naman at gising ka na, kanina pa naghihintay ang nobyo mo."

Naguguluhan kong tinignan si Manang Belinda. Nang lingunin ang salas ay doon ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita sa single sofa si Klyde habang nasa harapan niya ang aking mga magulang.

"Mom! Dad!" Agad kong tawag at tinungo ang kinaroroonan nila.

Agad na napatingin sa akin si Klyde at tipid na ngumiti ngunit wala siyang sinabi.

Nagulat talaga ako nang makita siya dito dahil wala naman itong nababanggit sa akin. Wala man lang pasabi at basta ko na lang siya makikita rito.

Mom eyed me from head to toe, Stirktang tumaas ang kilay niya.

"You didn't even bother to fix your self first before facing your visitor?" Ani Mommy.

Napatingin ako sa aking kabuoan. Suot ko pa rin ang pantulog ko at alam kong hindi kaaya-aya ang hitsura ko dahil magulo pa ang aking buhok.

"Ah... eh..." Wala akong masabi.

Nilingon ko si Klyde. Umiwas lang siya ng tingin pero hindi nakatakas sa aking mga mata ang nagmumultong ngiti sa kaniyang labi.

"Are we clear, Klyde Aldrix?"

Kay Daddy naman ako napatingin nang sabihin niya iyon. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Y-yes, Sir."

Wow, nautal si Klyde Aldrix. Ang lakas ng loob na tawaging Daddy ang ama ko pero kapag kaharap ay nauutal naman pala.

"Claire." Hinarap ako ni Mommy. "Asikasuhin mo ang bisita mo and can you please comb your hair, my daughter? We need to go now."

"Yes, Mom," nasabi ko na lang at humalik sa pisngi ng aking ina. "Bye, Dad." Hinalikan ko rin sa pisngi ang ama ko.

Nanatili akong nakatayo roon at pinagmasdan silang lumabas ng bahay. Nawala lamang sila sa aking paningin nang sumulpot sa harapan ko si Klyde na may kakaibang ngiti sa labi.

Ngumuso siya at itinuro ang labi niya. "Ako, kiss ko?"

Tinagilid ko ang aking ulo at lumingon sa kaniyang likuran. "Si Daddy, bumalik."

Nang sabihin ko iyon ay agad na umalis sa aking harapan si Klyde at tuwid na tumayo sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang matawa, takot siya kay Daddy.

"Joke," agad ko ring bawi.

Innocent Love (Possession Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon