Chapter 8: A friend
Pagkarating sa classroom ay agad kaming sinalubong ng mga kaibigan niya, iniwan ng mga ito ang ilang kalalakihan na kausap kanina. Gayunman ay nagpatuloy ang kuwentuhan at tawanan sa puwestong iyon.
"Oy, love birds! Palagi kayong magkasama, ah?" Nanunukso ang tinig ni Mark.
Hindi pa man nakakarating sa upuan ay nagsalubong na silang tatlo at nag-usap.
"Anong gusto mo tayo palagi ang magkasama?" Sarkastikong sinabi ni Klyde. "Huwag na, bro, baka sabihan na naman akong bakla."
Napanguso ako sa sinagot nito. Ako kasi ang nagsabi sa kaniya noon. Tila biglang bumalik tuloy ang ala-alang iyon. Natatawang nilingon ako ni Mark at tipid na napangiti naman si Zach.
"Akin na 'yan. Una na ako sa inyo," sambit ko.
Kinuha ko ang aking mga libro kay Klyde. Tinanguhan ako nila Mark at tipid lamang akong ngumiti sa kanila. Nagtungo ako sa aking upuan at doon tahimik na inabala ang sarili.
"Uh... Claire."
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Yassi, ang tahimik naming kaklase. Madalas ko rin siyang makita sa library. Saglit akong nagtaka, hindi naman siya lumalapit dati.
"Bakit?" May bahid ng ngiti kong tanong.
Umayos ako ng upo at hinarap siya. Hindi siya madalas makipag-interact sa ibang tao kaya naman natutuwa akong kinakausap niya ako.
"Puwede ba akong makiupo sa tabi mo? Nahihirapan kasi ako sa likod," maliit ang tinig niyang sabi.
"Oo naman!" Mabilis at masigla kong sagot.
Nakayuko siya na tila nahihiya. She's cute. Her long black hair is dancing on her back. Walang kahit anong bakas ng make up sa kanyang mukha at ang kanyang malaking eyeglasses ay tila nagsilbing accessory.
"Salamat," ani 'to.
Marahan ang bawat galaw niya nang magtungo sa katabi kong upuan. Tipid na ngiti ang iginawad niya sa akin nang tuluyang makaupo. Napakamahinhin niya.
Nasa likod kasi si Yassi. May kaliitan siya at malabo ang kaniyang mga mata kaya siguradong nahihirapan nga siya. Sana ay noon pa siya lumipat, marahil ay nahihiya siyang lumapit. Natutuwa akong maging seat mate siya, lalo na at pareho kaming mahilig magbasa.
I gave her a smile before I continued reading. Marahang hinahaplos ng aking daliri ang pahina ng libro nang maramdaman ko ang titig sa akin ni Yassi. Muli ko siyang nilingon at agad naging malikot ang kaniyang tingin.
"Uh... are you and Klyde close to each other?" Tanong niya, may pag-aalangan sa tinig.
"Hm. You can say that." Napatango-tango ako.
"Okay..."
Dumating na rin agad si ma'am Kristine pagkatapos noon. Itiniklop ko ang libro at tahimik na nakinig sa guro. Sabik ako sa mga bagong kaalaman, isa sa dahilan kung bakit mas advance ako sa aking mga kaklase. Hindi rin naman ako napipilitang mag-aral o matuto, gusto ko ang ginagawa.
Nang makaalis ang huling guro bago ang break time ay nag-ingayan ang mga kaklase ko. Kanya kanyang tayo at unahan pa sila sa paglabas. Nagmistulang palengke ang classroom dahil sa biglang gulo nila.
"Ano ba 'yan! Magdahan-dahan naman kayo!"
"Hoy! Ibalik mo 'yong ballpen ko!"
"Nakakainis ka, Ryan!"
"Ace, give that to me!"
"Easy, babe. Your heart."
"Sana all, babe!"
![](https://img.wattpad.com/cover/243623859-288-k610930.jpg)
BINABASA MO ANG
Innocent Love (Possession Series#1)
Teen FictionPossession Series#1 It all started with a simple crush. Claire Angelica Ramirez is a typical highschool girl who had a crush on Klyde Aldrix Martinez. It's just a crush, wala sa isip ni Claire ang makipagrelasyon sa lalaki. But things happened, mina...