Chapter 20: Hurt
Agad kong sinalubong ang aking mga magulang nang dumating ang mga ito. Magaan ang kanilang presensiya kaya hindi ako kinakabahan. Humalik ako sa kanilang pisngi. Nakapangtrabaho pa ang mga ito.
"What happened, Claire?" May awtoridad sa boses ni Daddy.
Nanatili sa kan'yang tabi si Mommy at naghihintay rin sa sagot ko. May mga students na napapatingin sa amin, lalo na at napaka-intimidating ng mga magulang ko.
"Napagbintangan lang po ako," mahinag sagot ko.
Napatingin kami sa mag-asawang Alvaro nang dumating na rin ang mga ito. Hindi nila naitago ang pagkapahiya sa mga mata. Sinalubong sila ni Yassi na ngayon ay maluha-luha na.
Napatingin din sa amin ang pamilya Alvaro bago nila pinangunahan ang paglalakad patungo sa office ni ma'am Kristine. Hinawakan ni Dad si Mommy sa baywang bago kami sumunod kila Yassi.
"Good morning, Mr. And Mrs." Agad na salubong ni Ma'am nang pumasok kami sa kanyang opisina. "Maupo po kayo."
"Good morning, Miss Kristine. What did my daughter do?" Tanong Mrs. Alvaro, may pormal na ngiti sa labi.
Ang parents ko ay hindi na nagtanong, nakinig na lamang. Umayos ang aming guro ng upo bago ito nagsalita.
"So, you're aware po that your daughters are the top 1 and top 2 in my class," panimula ni Ma'am.
Napatango-tango lang ang dalawang pamilya. Hindi dapat ako kabahan dahil wala akong kasalanan. Tinignan ko si Yassi pero umiwas siya. She should be nervous, nagkamali siya ng galaw. Kung gusto niya akong kalabanin ay hindi dapat sa ganitong paraan dahil masisiguro lang ang pagkatalo niya.
"During our examination, kanina lang po ay nakita ang answer key sa ilalim ng upuan ni Claire."
"Are you saying that my daughter cheated, Miss Kristine?" Si Mommy iyon.
"It's not like that Mrs. Ramirez, dahil ang sabi naman po ng isang kaklase nila ay nilagay daw iyon ni Yassi sa upuan ni Claire."
"Well, it's obvious that Ms. Alvaro framed up my daughter." Si Daddy naman iyon.
"My daughter can't do such thing, Ma'am," depensa naman ni Mrs. Alvaro sa anak.
"Baka naman nandaya talaga ang anak ng mga Ramirez," aroganteng sinabi ni Mr. Alvaro.
"Claire, did you really do what they are accusing you?" Tanong ni Daddy kahit nasabi ko naman na kanina.
Alam kong naniniwala sa akin ang mga magulang ko. Sila ang nagpalaki sa akin, higit kanino man ay sila ang mas nakakakilala sa akin.
"No, Dad... " sagot ko.
Muling binalingan ng aking ama si Ma'am Kristine. "Well, you heard my daugher. Hindi siya nandaya."
"How can you be so sure, Mr. Ramirez?" Hirit pa ni Mr. Alvaro, nagpakawala ng aroganteng halakhak.
Nanatili namang seryoso ang aking ama. "I was the one who raised her. I know my daughter better than you do."
Habang nag-uusap sila ay nakayuko lamang kami ni Yassi at nakikinig. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya, bakit kailangan pa na umabot sa ganito? Puwede namang aminin niya na lang.
"It's too obvious, Miss Kristine. Their daughter framed up my daughter because of jealousy. As you said, she's the top 2 while my daughter is the top 1. Gusto siguro nitong lamangan ang anak ko."
Napatingin na rin ako kay Mommy nang balingan niya si Yassi.
"Right, Miss Alvaro? Naiinggit ka sa anak ko kaya nagawa mo siyang i-frame up. Just admit it, little girl."

BINABASA MO ANG
Innocent Love (Possession Series#1)
Teen FictionPossession Series#1 It all started with a simple crush. Claire Angelica Ramirez is a typical highschool girl who had a crush on Klyde Aldrix Martinez. It's just a crush, wala sa isip ni Claire ang makipagrelasyon sa lalaki. But things happened, mina...