Chapter 14: friends
Mas mabilis sa normal na lakad ang ginawa ko patungo sa classroom. Pagdating pa lang ay didiretso na sana ako sa upuan ko nang matigilan dahil sa bulong ni Mark.
"Hindi ba, sabi ko sa'yo? Nangangagat si Klyde." Humalakhak ang lalaki.
Namula ako sa narinig at tila nanigas sa kinatatayuan. Doon pa lang ay alam ko nang may alam siya. Ang galing talaga ng lalaking 'to! Walang nakakaligtas na impormasyon sa kaniya. Baka naman alam niya rin kung sino ang kapatid ni Klyde?
"Ano pa ang binubulong mo sa girlfriend ko?" Sumingit sa pagitan namin si Klyde at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin.
"Wala, sinabi ko lang na masarap 'yong candy na lips. Alam mo 'yon, bro? Bili tayo mamaya," mabilis na sagot ni Mark.
"Kung anu-anong sinasabi mo. Halika na nga."
Umupo ako sa tabi ni Yassi nang medyo lutang pa rin. My seat mate put down her book as she stared at my lips. Pati ba naman siya ay napansin iyon?
"Anong nangyari d'yan?" Turo nito sa labi ko.
Mabilis akong naghanap ng sagot. "K-kinagat ng lamok! K-kagabi!"
"E, bakit parang fresh pa? Parang kakakagat pa lang, ah? Saan ka ba nanggaling?" Sunod-sunod nitong tanong.
"D'yan lang! N-nagpahangin." Hindi ko alam kung bakit ako natataranta.
Kumunot ang kaniyang noo. "Anong problema mo, ba't ka nauutal?"
"W-wala!" Inabot ko sa kaniya ang librong hawak ko. "Ayan, magbasa ka na lang!"
"Ano 'to? Saan mo nakuha?"
Kahit nagtataka ay sinunod niya pa rin ang sinabi ko. Mukhang nagustuhan niya ang libro na halos hindi ko maintindihan kanina dahil sa sobrang pagpokus kay Klyde.
Nang mag-umpisa ang time ni Ma'am Kristine ay pumunta na ang lahat sa kani-kaniyang grupo para mag-practice. Sa lunes pa naman ang dating ni Ma'am kaya kampante pa ang lahat. Isa pa, maiksi lang naman iyong ginawa namin. Hindi naman gaanong mahirap.
"Good job, guys! Okay naman na kaya wala na tayong kailangang ayusin," sabi ko sa kanila.
Katatapos lang ng practice at maayos naman namin itong nagawa. Memorised na rin namin ang mga lines namin kaya wala nang problema. Si Aldrin ay napapakiusapan ko naman siya.
"I don't like my role," biglang sinabi ni Klyde.
Napatingin kaming lahat sa kanya. Parang wala lang naman iyon, sinabi niya lang para alam namin. Huli na para bawiin niya kung sakali.
"Sa tingin ko siningit niyo lang 'yong character ko para may role ako. Sa sobrang iksi ng lines ko, p'wede ko na itong isaulo ng limang minuto lang," dagdag niya.
"Ikaw lang ang mahilig magreklamo sa group natin, alam mo 'yon?" Sarkastikong sinabi ni Jenna.
Parang kailan lang nang ma-issue silang dalawa tapos ngayon kung magbangayan ay parang mga aso't pusa.
"E, kasi naman, 'yong role ko parang nakadepende sa'yo. Kung nasaan ka, naroon din ako." Sumimangot si Klyde at pinasadahan ng daliri ang buhok.
"Of course! Girlfriend mo ako sa story kaya dapat lang na ako ang palagi mong kasama." Nag-ikot ng mata si Jenna.
"Tumigil na kayong dalawa," suway ko sa kanila. "Sa tuwing may practice, palaging kayong dalawa ang nagtatalo."
"Sisihin mo si Klyde. Parang babae, ang galing mag-inarte."
Umirap sa hangin si Jenna at sa paglipat ng tingin niya sa akin ay kumunot ang kaniyang noo.
"What happened to your lips?" Tanong nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/243623859-288-k610930.jpg)
BINABASA MO ANG
Innocent Love (Possession Series#1)
Teen FictionPossession Series#1 It all started with a simple crush. Claire Angelica Ramirez is a typical highschool girl who had a crush on Klyde Aldrix Martinez. It's just a crush, wala sa isip ni Claire ang makipagrelasyon sa lalaki. But things happened, mina...