Chapter 28

55 8 0
                                    

Chapter 28: Call

"We're highschool lovers but our relationship only serves as an experience and a lesson... " Basa ko sa huling sentence.

I still can't accept it. Natuyo na ang mga luha sa aking pisngi pero may panibago na namang namumuo. Puwede namang hindi experience lang o lesson kung ipinaglaban nila, pero hindi nga siguro sila ang para sa isa't isa. Pinagtagpo lang pero sa iba nakatadhana, gano'n.

"Oh, bakit ka nakatulala? Hindi mo tanggap 'yong ending?" May pang-aasar sa boses ni Yassi.

Inikutan ko siya ng mata.

"Hindi talaga," singhal ko. "Mas gusto ko sila para sa isa't isa."

Tumitig siya sa akin at nagulat ako nang bigla siyang mabilis na nagsalita.

"Ako rin, hindi! Nakakainis iyong author nito, ha? Ang dami nilang hirap na pinagdaanan tapos hindi lang pala sila sa huli?! Sa kanila umikot 'yong buong kuwento pero iba 'yong nakatuluyan nila!?"

"Oh, akala ko ba tanggap mo?" Ngumuso ako.

"I never said that! Hindi dahil hindi ako umiiyak tulad mo ay tanggap ko na. Dapat talaga hindi ganoon 'yong nangyari."

"Kaya nga "My Highschool Love Story" 'yong tittle, 'di ba? Sa kanila nagsimula pero hindi sila ang wakas. This story serves as a lesson to us na hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan."

And now I am the one telling these to her? Hindi ba't ako iyong nagdadrama? Tinignan ko ang book cover at naalala na naman doon ang mga nangyari.

"Psh! Ayaw ko nang magmahal! Masakit pala," aniya na ikinatawa ko.

"Don't be afraid of falling in love, masarap sa pakiramdam ang magmahal. Just be ready sa sakit na naghihintay."

Masarap ang magmahal pero habang nagmamahal ka ay nasasaktan ka, sakit na hindi basta-basta naghihilom. Mawala man ang sakit, hindi na mawawala iyong pakiramdam na minsan ay nagmahal ka.

"Aist! Alam mo–" Natigilan si Yassi at biglang nanlaki ang kanyang mga mata."Alam mo? 4:34 na! Shocks! Hindi na tayo nakapanood ng laro!"

Imbes na mabigla ay natawa na lamang ako. Dahil sa pagbabasa namin ay nakalimutan na namin ang oras, pero ayos lang, dagdag highschool experience ko pa 'to. Natigilan siya sa pagkataranta nang makitang hindi man lang ako nababahala.

"Hoy! Nabaliw ka na ba? Ang sabi ko, 4:34 na."

"Hindi ako baliw. Eh, ano naman kung four thirty-four na? Intrams naman, manonood lang tayo ng sports."

"Paano 'yong mga kaklase natin? Baka wala nang section A ang naiwan do'n! Kasi 'yong president at vice president nila ay nawawala rin!"

"Hayaan mo sila." Nakangiti ko pang sabi. "Naroon naman si Nicole."

"Claire, maisasama tayo sa listahan ng mga wala sa game! Parang nag-cutting na rin tayo."

"Woah! Masaya 'yon, Yassi! Mararanasan ko na rin ang magsulat sa bond paper ng 'hindi na po ako magka-cutting!'" Tuwang-tuwa kong sabi.

Napatampal si Yassi sa noo, tila problemadong-problemado na sa akin. Habang ako ay nagawa pang tawanan ang kalagayan niya.

"Ano nang nangyari sa tinaguriang 'good student' ng section A?"

Hinila niya ako palabas sa library. Mahina lamang akong natatawa. Hindi na namin naibalik iyong libro, naiwan iyon sa mesa. Paglabas namin ay tapos na ang laro, nagkalat na rin ang mga students at 'yong iba ay nag-uwian na.

"Mauna na'ko sa'yo, Claire! Baka dumating ang parents ko at hanapin ako ro'n," mabilis na paalam ni Yassi.

Hindi na ako nakapagsalita at nabitin na lamang sa ere ang sasabihin. Pinagmasdan ko ang palalayo niyang bulto. Hindi man lang ako hinintay na magpaalam. Tch.

Innocent Love (Possession Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon