Goodbye

3.2K 56 22
                                    

Chapter 12 part 1

--

Ranz POV

Kagagaling ko lang sa principal's office, nagpaalam na kasi ako para dun sa mahalagang lakad na gagawin nmin.

".. tol ano na? .." tanong sakin ni Oliver.

" .. payag na ako... actually nakapagpaalam na ko sa office .. " sabi ko.

" .. Siya sulitin muna natin ang araw na to .. " sagot nman niya.

Nag-nod nman ako sa sinabi niya.

Give love on Christmas Day?

Kailangan masulit ko na ang araw na ito.

Pumunta na lang ako sa mini forest kung saan lagi siyang nakatambay.

Charlie's POV

As usual, nandidito ako ngayon sa favorite place ko.

Habang nakaupo ako ay may natanaw akong lalake na papalapit sa di kalayuan.

" .. Ranz ? ..."

" .. Charlie .." sabi nman niya.

" .. halika upo ka dito ..." sabi ko sa kanya at umipod ako sa kinauupuan ko.

Umupo nman siya agad ...

Bago pa kami tuluyang maging poste ay siya na ang unang nagsalita.

" .. bakit mag-isa ka na nman dito? ..." tanong niya.

Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. This time parang nablanko ang utak ko ...

" .. gusto ko lang mahanginan ang utak ko ..." sabi ko.

" .. sabagay .. " maikling sagot niya.

Hindi ko talaga alam ang nasa isip niya ngayon. Kahapon magkagalit pa kami, tapos ngayon kakausapin niya ko ng basta basta.

" .. Charlie .." sabi niya pero nakatingin sa malayo.

" .. uhmm, bakit? .." sagot ko nman.

" .. pa-paano kung ligawan ka ni Kenneth? .. sasagutin mo ba? ..." seryosong tanong niya.

Yung totoo, naalog ba ang utak nito .. First time kong marinig yun sa bibig nya ah .. Masyado na ba tong nainspired? ..

" .. malabong mangyari yun, si Kenneth pa .." sabi ko.

Natahimik lang siya sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa malayo na para bang ang laki laki ng problema niya sa buhay.

" .. Charlie sorry nga pala sa mga nasabi ko sayo nung isang araw .." sabi niya.

" .. a-ayos lang yun .. ako nman ang may mali dun e .." sagot ko habang nilalaro ang daliri ko.

" .. pasensya na rin sa lahat ng nagawa ko sayo ..."

te-teka di ko talaga siya maintindihan ngayon.. Si Ranz hihingi ng tawad??

" .. alam mo nakakatakot ka .. mamamatay ka na ba? .." pabirong tanong ko.

This time tumingin siya sakin na para bang nagtataka sa tanong ko ..

" .. alam mo ang wais wais talaga ng isip mo .. biruin mo, natanong mo yan sa isang gwapong katulad ko ..." pagmamayabang niya at doon ko na lang ulit nakita ang dating Ranz.

" .. gwapo? saan banda? .. uhhmm .. nakakagulat ka lang.. para kasing di ikaw si Ranz na nakasanayan ko .. Si Ranz na nanggugulo .. si Ranz na puro biro na may halong yabang..." sabi ko.

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

" .. siguro mami-miss mo ko pag uma---- ..." sabi niya pero bigla nman niya pinutol.

" .. pag graduate na tayong lahat, mami-miss ko talaga to ng sobra...." sabi niya at bigla nman tumunog ang phone niya.

Habang binabasa niya yung message, kita ko sa mukha niya ang lungkot na ngayon ko lang nakita sa kanya.

" .. sige maiwan na kita .. magdi-dismiss na ako ng maaga .." sabi nman niya at agad na siyang tumayo sa kinauupuan niya. Di pa rin mawala sa mukha niya ang lungkot.

" .. Advance Merry Christmas nga pala .." sabi ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti siya pero agad ding nawala.

Halos ilang minuto na rin siyang nakakaalis at di pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng tinanong niya.

Ranz POV

Nandidito na ako sa tapat ng locker ko at kasalukuyang inaalis na ang lahat ng gamit ko sa loob nito pati na rin yung mga pictures na nakadikit sa dingding nito at ang mga balat ng gummy worms na ngayon lang itatapon.

" .. tol bilisan mo na dyan .. andyan na daw ang service natin .." pagmamadali sakin ni Oliver.

" .. sige tol, susunod na lang ako .." sabi ko nman.

Sa bandang kaliwa ko ay tanaw na tanaw ang mga puno sa mini forest, kung saan nangyari ang huli nming pag-uusap.

Marami akong mamimiss sa school na to.. kabilang na si ...

" .. tol tayo na! .." sigaw ni Oliver sa di kalayuan.

Isinakbit ko na ang backpack ko na naglalaman ng maraming gamit.

Bye Charlie :(

See you soon ...

=================

to be continued ....

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon