Charlie's POV
Sa loob ng 2 days na siya lang ang kasama...... NAKAKASAWA! .. Ang arte parang babae, maya't maya reklamo... Buti na lang tapos na ang photography namin.
Nasa AVR kami ngayon... Bago pa kami magsimula ay sabi ni Sir na dapat may name daw kami ng partner nmin, ung parang team name ba....nag-eexplain na ang mga kaklase ko ngayong oras na to. Actually, kasali kmi sa first 5 kaya next na kami.
" . . okay next reporter, the Tom and Jerry . ." sabi ni Sir.
Ito ang name na napagdesisyunan namin ni Ranz... sa totoo ayaw nya nga eh, gusto nya kasi Upin and Ipin....eh ang cheap nman katulad nya. Sa ayaw at gusto nya, yung Tom and Jerry ang pinasa ko.
Bale 20 pics ang nasa slideshow namin, kaya tig-10 kami ng i-eexplain.
Ako ang nag-explain sa first 10 at naging maganda naman ang kalabasan.
Ang second 10 naman ay nireport ni Ranz, grabe magaling din pala sya sa reporting, naintindihan namin lahat ng sinabi nya.
Nung last picture na ang ipapakita, para siyang nag-aalinlangan kaya bigla akong kinabahan...
" .. . and this is the last picture....." sabi ni Ranz sabay evil smile.
Nagulat na lang ako ng biglang lumabas ang picture ko na may caption pa na
" wow! ang laki ng simbahan!" Sa lahat ng picture yun pang akin ang nilagyan ng caption. Agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko.
" .. . wow! pang magasin..." sabi ng kaklase kong lalaki.
" .. . Charlie, para ka lang naghihintay ng grasya sa itsura mo dun ah .." sabi ng mga shunga kong kaibigan sabay tawa.
Pagkatapos nilang sabihin yun biglang uminit ang ulo ko kay Ranz.. " .. kaya pala siya na ang nagpresentang gumawa! " sabi ko sa isip ko.
" .. . okay, bukas nyo na malalaman ang resulta, tingnan nyo lang dun sa bulletin board... I will make sure na madidisplay agad yun bukas dun kaya goodluck! .. " sabi ni Sir sabay labas ng room.
Alam kong lalabas agad ang lalakeng yun kaya inabangan ko na sa pintuan pa lang.
♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂
Ranz's POV
Grabe kinabahan talaga ako sa ginawa ko kanina.. biruin mo nag-report ako dun sa unahan! ... pero dun sa last picture, ang saya saya ko dahil makakaganti na naman ako sa kanya....
Agad naman akong lumabas ng room dahil alam kong hu-huntingin na naman ako ng babaeng yun.
Pagkalabas ko.... bigla na lang may humila sa uniform ko...
" .. . Ranz! ano na nman bang trip to?! . ." pagalit na sabi nya.
Pagkatapos nyang sabihin yun ay binitawan na nya ang uniform ko sabay titig sa akin ng masama.
" .. . sorry! .. ." sabi ko sabay takbo habang tawa ng tawa.
.
.
.
Nung tiningnan ko ulit siya sa malayo, nakatitig pa rin siya sakin ng masama.. Di ko na lang sya pinansin kaya dumiretso na ko...
●●○○
Charlie's POV
Sabi na nga ba't lalabas yun agad eh! Buti na lang at nagbantay agad ako sa pintuan..
Pagkalabas nya, hinila ko agad ang uniform nya sabay sabi ng
" .. Ranz! ano na nman bang trip to?! "
... sumagot nman siya agad ng
" .. . Sorry! .."
.... ayos na sana eh, kaso tinakbuhan lang ako at tawa pa ng tawa.. Nung tumakbo siya, naisip ko bigla na
" .. . Ngayon lang ako nakakita ng uod na tumatakbo .. " .. " ..
Speaking of uod," mahalungkat nga ang bag nya baka kasi maraming gummy worms dun.. my favorite! .. " sabi ko sa sarili ko.
--
Ranz's POV
Himala di nya ko hinabol nung tinakbuhan ko siya.
Katatapos ko lang kumain ngayon sa canteen at pauwi na ko sa room...
Malapit na ko makarating sa room ng may napansin akong nakasabit na bag sa pintuan... naawa naman ako dun sa bag kaya nilapitan ko agad. Pagkatingin ko......
" .. . teka! bag ko to ah.. " sabi ko sa sarili ko.
" .. . asan ang mga gamit nito?! . ." dugtong ko pa.
Sumilip ako sa loob ng room at nakita ko ang mga patong patong kong mga notebooks at books na nasa ibabaw ng table ko... Kahit ang mga drawing materials ko, di nya pinalampas.
Hinanap ko agad sa room si Charlie, alam ko nmang siya lang ang makakagawa nito!
Habang hinahanap ko si Charlie... may bigla na lang nagsalita sa likuran ko..
" .. . sinong hinahanap mo? .. " tanong nito sakin.
Paglingon ko si Charlie pala.
" .. . kahit kailan talaga noh!, lagi na lang... " sabi ko sa kanya.
.
.
.
.
" .. . kung di mo lang sana ako ininis, eh di sana hindi ko dinamay yang bag mong punong puno ng plastic! .. ." sabat nman niya sakin.
.
.
.
.
" .. . ang simple simple lang nman nung mga asar ko sayo, pero ang iyo halos lahat na lang ng makita mong property ko... dinadamay mo!.. " pagalit kong sabi sa kanya.
.
.
.
.
" .. . aba! kasalanan ko bang mas magaling ako sayong gumawa ng paraan para maghiganti .. " sagot nya sakin habang nakataas ang isa nyang kilay.
.
.
.
.
" . . . ganyan ka na ba talaga ka-obsess sakin... pati gamit ko pinagnanasaan mo! . ." pabiro kong sabi sa kanya.
Nakita ko sa mukha nya ang pagkagulat at bigla kong naramdaman ang pagkabawi.
" wow! bravo bravo *clap clap* ako? obssess sayo? YUCK! " sabi naman nya sakin..
Bigla na lang ako napatigil sa sinabi nya... at bigla kong naisip na ang hirap pala nitong kalabanin sa sagutan... Pagkatapos naming maging poste sa may pintuan bigla na lang siya umalis at nagparinig na....
" .. ang sarap naman nitong gummy worms, di ko agad mauubos to sa sobrang dami.. " pagpaparinig nya sakin.
Bigla ko nmang naalala ang mga binaon kong gummy worms... alam ko nmang akin yung gummy worms na tinutukoy nya kaya pinabayaan ko na. . wala na rin nman akong mgagawa eh...
Maya maya bigla na lang nag-bell hudyat na magkaklase na nman...
Bigla ko tuloy naalala yung....
" . . teka! yung mga gamit ko, nakakalat pa... " sabi ko sa sarili ko.
Kaya eto ako ngayon, nagmamadaling ligpitin ang mga gamit ko.. ayaw kasi ng next teacher nmin na merong nkalagay sa ibabaw ng table nmin pag papasok siya... ang OA noh?!
--
to be continued...
BINABASA MO ANG
Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]
De TodoBubble Gum. Groupings. Gummy Worms. Dito nagsimula ang lahat. Ano nga ba ang koneksyon nito sa not-so-mushy love story nila?