Gummy Worms
--
Charlie's POV
Ang ingay dito sa hallway lalo na yung mga babae.
" ... Ang gwapo nman nung guy, last kong kita sa kanya ay nung nag fair tayo dito ..." sabi nung babae na nasa likuran ko.
Sino bang tinutukoy nila?
Dahil nasa kabilang mundo ang isip ng mga estudyante ngayon dahil sa guy na yun.
Pumunta muna ako sa mini forest para magkaroon naman ng katahimikan ang araw ko.
Pumwesto ako dun sa bench na may sandalan at naglaro ng Angry Birds ...
Bakit ba ang hirap patayin ng mga baboy na to?
Gigil na gigil na ko dito dahil hanggang ngayon di pa rin ako nag lelevel up.
Nang tamarin na akong maglaro dahil wala namang progress, nagpatutog na lang ako. Binuksan ko ang playlist ko sabay sapak ng headset.
Parang sumasabay ata ang kanta sa mood ko ngayon. Slow.
Parang mood ko na talaga ang nagdidikta sa kung anong gusto kong pakinggan. Kapag medyo mabilis at masaya ang kanta, napapailing na lang ako sabay pindot ng next button.
Hanggang sa maubos na ang laman ng playlist. Leche. Wala man lang nakapagpaayos ng mood ko.
Umayos ako ng upo at binilog na wire ng headset. Ang headset pa naman ang isa sa mga bagay na mahirap ayusin kapag nagkabuhol buhol.
"Hi .. "
Napahinto ako sa ginagawa ko nang may narinig akong nagsalita sa likuran ko.
Agad ko namang tiningnan kung sino ito at nakita ko si ....
=============================
to be continued ...
BINABASA MO ANG
Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]
RandomBubble Gum. Groupings. Gummy Worms. Dito nagsimula ang lahat. Ano nga ba ang koneksyon nito sa not-so-mushy love story nila?